Back

Nagbabala mga US Bank: OCC Crypto Charter Baka Magpahina sa Banking System

13 Disyembre 2025 13:00 UTC
Trusted
  • Matinding Pinuna ng US Banks ang Pag-apruba ng OCC sa mga Crypto Trust Charter
  • Sabi nila, parang binigyan ng charter ang mga kompanya na parang bangko na walang FDIC coverage at hindi sumasakto sa full capital at liquidity requirements.
  • Nagbabala ang mga grupo na pwede nitong malito ang mga consumer, mag-encourage ng regulatory arbitrage, at mahirapan ang mga regulator pag may sumablay na project o kumpanya sa crypto industry.

Nagkaisa ang mga bangko sa US sa pag-challenge sa approach ng Office of the Comptroller of the Currency (OCC), na ngayon ay gustong i-integrate ang mga crypto company sa federal banking system. Tutol ang banking sector sa plano ng regulator na mas gawing bukas para sa crypto ang sistema ng mga bangko.

Noong December 12, nagbigay ng conditional approval ang OCC para sa national trust charters ng limang digital asset company — kasama rito ang Ripple, Fidelity, Paxos, First National Digital Currency Bank, at BitGo. Pinunto ng bangko regulator na pina-ikutan ng parehong “rigorous review” ang mga nag-apply mula sa crypto, tulad ng anumang ibang national bank charter applicant.

Kina-question ng US Banking Industry ang Move ng OCC

Pero ayon sa American Bankers Association (ABA) at Independent Community Bankers of America (ICBA), nagdudulot daw ang hakbang ng OCC ng two-tier na banking system.

Sinasabi ng banking groups na ang mga fintech at crypto company ay nabibigyan ng national charter kahit na wala silang Federal Deposit Insurance Corp. (FDIC) coverage at hindi rin nasusunod ang mga usual na standard para sa capital at liquidity na kailangan ng mga full-service bank.

Pinalalabas nila na dahil dito, hinahayaan ang nangyayaring regulatory arbitrage sa national level.

Kapag nakakuha ng national charter ang mga crypto company, napapakinabangan nila ang federal preemption laban sa mga batas ng state tungkol sa money transmission. Pero naiwasan nilang sundin ang karamihan sa mga compliance requirement na required para sa mga bankong may insurance.

Ayon kay ABA President Rob Nichols, nagiging magulo kung ano ba talaga ang masasabing bangko. Dagdag niya, kapag lumabo ang definition na ‘to, puwedeng masira ang integridad ng charter mismo.

Para sa kanya, kung payagan mong magkaroon ng trust powers ang mga kumpanyang hindi naman gumagawa ng traditional na fiduciary duties, magpapa-uso lang ito ng mga institusyon na parang bangko lang ang itsura o pangalan pero kulang naman sa maayos na oversight.

Habang lumalaki ang usapin dito, hindi lang kumpetisyon ang issue.

Nagbabala ang mga banking group na baka malito ang mga consumer at hindi agad malaman kung insured ba o hindi ang isang bangko, lalo na kung national trust institution na maraming hawak na crypto assets na walang insurance.

Sinasabi nila na hindi sapat ang pagpapaliwanag ng OCC kung paano nila mamamanage kung sakaling bumagsak ang ganitong klase ng kumpanya — lalo na kung bilyong dolyar na digital assets ang hawak nito na wala sa tradisyonal na safety net.

ICBA Gusto Ipa-Stop ang Pagbigay ng Charter

Direkta ring kinuwestiyon ng ICBA ang legal na kapangyarihan ng OCC sa pag-issue ng mga charter na ito.

Nakatuon ang kritisismo ng grupo sa Interpretive Letter No. 1176 na nagbukas ng pinto para makapasok ang trust banks sa “non-fiduciary” activities — tulad ng pag-custody ng stablecoin reserves.

Nilinaw pa ni ICBA President Rebeca Romero Rainey na matinding policy shift ito na masyadong nililihis ang national trust charter, malayo na raw ito sa original nitong purpose.

“Ang matinding policy change ng OCC sa Interpretive Letter #1176 ay taliwas sa normal na role ng mga traditional trust company at nagreresulta sa magulong regulatory framework na posibleng magdulot ng problema sa finance — kaya dapat talagang baguhin ng ahensiya ang direksyon nito,” dagdag ni Rainey.

Paliwanag pa ng grupo, hinahayaan ng OCC na basta basta makagamit ng credibility ng US banking system ang mga fintech companies kahit hindi sila sumusunod sa buong regulatory scope na kinakaharap ng insured na financial institutions.

Kaya dahil dito, nanawagan ang parehong grupo para sa agarang pag-pause at kanselasyon ng mga approval na ito.

Binalaan nila na yung kasalukuyang framework ay puwedeng magresulta sa mga kumpanya na hindi kayang resolbahin ng OCC nang maayos, at kapag nangyari ‘yon, posibleng malagay sa alanganin hindi lang ang mga tradisyonal na bangko kundi pati na rin ang mas malawak na financial system.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.