Habang pinag-iisipan ng US kung gagawa sila ng national strategic Bitcoin reserve, biglang napag-uusapan ang Greenland bilang isa sa mga posibleng maging importante sa future ng crypto, kahit hindi mo aakalain.
Balak makipagpulong ni US Secretary of State Marco Rubio sa mga leaders ng Denmark next week. Layunin ng pulong na i-reaffirm ang commitment ng Washington sa goal ni President Donald Trump na makuha ang kontrol sa Arctic Island na ito.
Mas Praktikal ang Bitcoin Strategy ng Greenland Kumpara sa Pag-ipon ng Overseas Reserves
Maaga pa lang, may mga Polymarket bettors nang tumaya sa iba’t ibang posibilidad bago pa ang meeting na ‘to ni Rubio sa Danish leaders. Ayon sa mga sumusuporta sa plano, posibleng magbigay ito ng malaking edge sa US para maging major player sa Bitcoin mining.
Marami ang nagsasabi na ang sobrang lamig na klima ng Greenland at dami ng energy potential dito ay makakatulong. Siyempre, ang Bitcoin mining ay nangangailangan ng matinding computing power at magandang cooling system para hindi mag-overheat ang mga makina.
Ang buong taon na sub-zero na temperatura sa Greenland ay pwedeng gawing natural na ref, kaya bababa nang matindi ang energy costs. Pwede din gamitin ang oil drilling at hydroelectric power para makakuha ng murang kuryente na kailangan ng malalaking mining operations.
Maging mga “di typical na commentators ay napansin na rin ang ideya na ito. Si Andrew Tate, isang social media personality, sinabing ideal ang klima ng Greenland para sa cost-effective na US Bitcoin reserve.
“Makukuha ng USA ang Greenland at gagawing permanenteng ref para sa BTC mining. Dahil dito, makakabuo ang US government ng BTC strategic reserve na tipid sa gastos,” sabi ni Tate.
Hindi na bago ang konseptong ito, kasi sa Iceland nauna nang lumaki ang Bitcoin mining dahil sa dami ng renewable energy doon.
Sa Iceland, may geothermal at hydroelectric plants na nagbibigay ng sobra-sobrang kuryente para sa mga miners, na nakakatulong din mag-balance ng kuryente sa national grid. Pero, naging kontrobersyal din ito dahil may mga issue sa food security at energy sustainability sa Nordic island na ‘yun.
Nabanggit ng World Economic Forum na dahil sa lamig ng Iceland at dami ng renewable energy, naging favorite na lugar ito para sa mga crypto miner. Kung gagayahin ng Greenland ang modelo na ‘to, possible rin tayong makakita ng bagong strategic frontier para sa crypto push ng US.
Mula Sa Wala Hanggang Strategic Reserve: Greenland Pwedeng Maging Next Hotspot ng Bitcoin Mining
Sa ngayon, wala pang Bitcoin mining sa Greenland kaya untapped pa ang resource ng lugar na ‘to. Para sa US, pwedeng doble ang purpose kung makukuha nila ang Greenland:
- May energy at climate advantages para sa mining, at
- Magkakaroon sila ng strategic spot sa global cryptocurrency market.
Nag-sa-suggest ang mga eksperto na kung magtatayo ng malalaking mining facilities ang US dito, pwede nilang ma-produce ang Bitcoin nang mas mababa gastos kesa sa global average at makaipon sila ng malaki-laking national reserve.
Pumapalo rin ang strategy na ‘to sa trend ng US na palakasin ang sarili nilang Bitcoin reserves. Kamakailan, nireport ng BeInCrypto na umano’y may $60 billion Bitcoin ang Venezuela, pero hindi pa ito fully verified at hindi rin basta-basta ma-access dahil sa mga legal at jurisdictional na issue.
Nabanggit din ng mga analyst na kahit ma-freeze o makuha pa ng US yung mga reserve na ‘yon, sobrang komplikado nito kesa sa mag-build ng sarili mong mining operation sa US o Arctic region.
Kahit ganun, posibleng baguhin ng Greenland scenario ang usapan sa crypto markets. Kung magkaroon dito ng efficient at malaki-laking mining hub, kayang mag-produce ng US ng Bitcoin sa never-before-seen scale na puwedeng mag-impact ng global supply at magbigay sa US ng strategic advantage na dati never nakita sa kahit anong bansa.
Puwede rin maging proteksyon ang potential reserve na ‘to laban sa malalaking galaw sa merkado, parang ginagawa rin sa gold at foreign currency reserves.
Habang naghahanda si Secretary Rubio sa talks niya sa Denmark, tiyak na bubusisiin ng buong mundo kung magiging center ba para sa US ang Greenland pagdating sa economic at tech ambitions nila.
Kung magtutuloy-tuloy ito, pwede nang sumikat ang Arctic island — mula sa pagiging liblib na lugar, puwede na itong maging sentro ng pinakamahalagang digital asset sa buong mundo.