Mas naging malinaw na ngayon ang matagal nang chismis tungkol sa Bitcoin hoard ng Venezuela matapos mahuli si President Nicolás Maduro sa US-led operation nitong January 2026.
Lumabas sa mga intelligence report na posibleng nakaipon ang bansa ng “shadow reserve” na 600,000–660,000 BTC, na ang value ay nasa $60 billion hanggang $67 billion. Dahil dito, isa ang Venezuela sa pinakamalalaking Bitcoin holders sa buong mundo.
Paano Apektado ng Pag-aresto kay President Maduro ang Bitcoin?
Dahil sa naiulat na BTC stockpile na higit 600,000 Bitcoin, pwede talagang pumantay ang Venezuela sa institutional giants tulad ng BlackRock at MicroStrategy. Malaki ang impact nito sa supply ng Bitcoin at siguradong mag-iiba ang market sentiment pagdating ng 2026.
Ayon sa sources na binanggit sa Whale Hunting, nagsimulang mag-accumulate ang Venezuela ng Bitcoin noong 2018 gamit ang kombinasyon ng gold swaps, oil settlements gamit ang Tether (USDT), at pagkuha sa mga minahan ng crypto sa bansa.
Mula 2018 hanggang 2020, nag-export umano ang Venezuela ng napakaraming tons ng gold mula Orinoco Mining Arc. Sinasabing halos $2 billion ng gold ang pinalit sa Bitcoin nung average price pa nito ay $5,000 per BTC.
Yang batch na yan lang, ngayon valued na ng halos $36 billion, ang nagsilbing pundasyon sa tinatagong crypto reserve ng bansa.
Pagkatapos bumagsak ang Petro crypto ng gobyerno, mas pinilit ni Maduro na gumamit ang PDVSA, na state oil company, ng USDT para magbayad sa export ng crude oil mula 2023 hanggang 2025. Yung mga stablecoin na yan, nililipat sa Bitcoin para makaiwas sa pag-freeze ng accounts at mabawasan exposure nila sa US dollar.
Nagdagdag pa ng Bitcoin ang gobyerno mula sa pagkuha sa mga local mining operations, kaya umabot sa higit 600,000 BTC ang naipon nila, na mga 3% ng total circulating supply.
Kung titignan ang scale ng reserve ng Venezuela, mas malaki ito kumpra sa mga naunang government liquidation. Noong 2024, nagbenta ang German state ng Saxony ng 50,000 BTC (na nasa $3 billion noon), na nagdulot ng 15–20% na market correction.
Pero kung yung 600,000 BTC ng Venezuela ay ma-seize o ma-freeze, baka magdulot ito ng walang kapantay na supply shock. Baka lumiit ang liquidity sa merkado at magtulak pataas ng presyo.
Kaya malaki ang dilemma ngayon ng US kung anong gagawin sa reserve na yan. Sabi ng sources, may tatlong main na posibleng scenario:
- Pwedeng i-freeze ang assets habang may kaso
- Pwedeng idagdag ito sa US Strategic Bitcoin Reserve, o
- Pwedeng ibenta via auction (bagamat mas maliit ang chance nito).
Para sa mga analyst, mas malamang na i-freeze o gawing bahagi ng strategic reserve ng US ang mga assets na ito.
Bakit Importante ang Bitcoinn Hoard ng Venezuela sa Global Markets
Kung mangyari ‘yon, posibleng mai-lock ang supply ng 5–10 taon at mas lalong maging bullish ang sentiments sa Bitcoin at sa mga institutional holders gaya ng MicroStrategy ($MSTR).
Pinapakita rin ng BTC hoard ng Venezuela kung gaano kalaki ang grassroots adoption ng crypto sa bansa. Dahil sa hyperinflation, US sanctions, at bumabagsak na bolívar, karamihan ng tao napipilitang gumamit ng Bitcoin at stablecoins sa araw-araw.
Sa bandang dulo ng 2025, halos 10% ng bayad sa grocery at halos 40% ng peer-to-peer transactions ay sa crypto na ginagawa. Yung remittance naman gamit ang stablecoins, umabot sa halos 10% ng lahat ng pumapasok na pera sa bansa. Nasa 17th globally ang rank ng Venezuela sa crypto adoption batay sa Chainalysis. Sa buong Latin America,
Dagdag pa dito, mas naging uncertain ang future ng bansa matapos mahuli si Maduro. Posibleng magbago ang direksyon ng bagong gobyerno, lalo kung US-backed ito, gaya ng:
- Maging maluwag sa mining,
- Magsulong ng pro-crypto policy, at
- Unahin ang pagbawi sa naipong BTC ng gobyerno.
Pero habang hindi pa isinusuko ang private keys o naaayos ang legal na claim, 600,000 BTC pa rin ang all but “locked.” Dahil dito, tuloy ang short-term na volatility pero posibleng magdulot ito ng matinding supply shock na makakatulong sa pagtaas ng presyo ng Bitcoin sa long term.
Sa market na bawat galaw ng malalaking holders ay may impact, yung shadow Bitcoin reserve ng Venezuela, biglang naging isang napakahalagang bagay na matagal nang hindi nabibigyan ng pansin sa global Bitcoin scene.
Kapag nakontrol at na-freeze ng US ang mga asset na ito, posibleng maganap ang isang matinding shake-up sa supply, liquidity, at overall market sentiment ng 2026.
Ang ganitong outcome, pwedeng gawing isa sa pinakamalaking strategic Bitcoin reserves sa history ang dating secret na ipon ng isang rogue state.