Binalaan ng crypto analyst na si Michaël van de Poppe na baka hindi makaligtas ang karamihan sa mga altcoin pagdating ng 2026, dahil sa mahina ang performance, lumalaking kompetisyon, at sablay na tokenomics.
Lumabas ang ganitong pananaw niya habang lumalaki ang uncertainty kung saan nga ba papunta ang crypto market pagdating ng 2026. Habang maraming analyst ang tingin eh magtatagal pa ang downturn, meron din naman na nag-e-expect na baka sabay-sabay ulit angangat ang market sa isang panibagong bull run.
Altcoin Shakeout sa 2026: Bakit Maraming Token ang Baka Mabura at Kakaunti Lang ang Mabubuhay
Sa isang bagong YouTube video, sinabi ni Van de Poppe na delikadong mindset ang paniniwala na “laging bumabalik ang mga altcoin”. Ang sabi niya, grabe ang naging tama ngayong taon dahil mas malala pa raw ang bagsak ng karamihan sa altcoins kumpara nangyari nung 2022.
“Matindi talagang bear market na taon ‘to, halos lahat ng altcoin bumagsak ng mga 90%. At feeling ko, madaming altcoin dito ‘di na talaga makakaahon pa,” sabi niya.
Ilan sa mga dahilan na binanggit ni Van de Poppe kung bakit marami sa mga altcoin ang maaaring maipit sa 2026 ay yung sablay na tokenomics at maling pamamalakad sa pondo. Sabi niya,
“Unang dahilan kung bakit di magsu-survive ang karamihan sa mga altcoin eh kasi sablay mag-handle ng pera ang founders, sablay ang tokenomics nila, o grabe na yung bagsak kaya hindi na sila makabawi,” paliwanag niya.
Dagdag pa, yung sobrang tagal ng market downturn ang isa pa raw matinding factor. Tinawag niya itong “pinakamahabang bear market” sa crypto history. Inihalintulad ni Van de Poppe ang sitwasyon sa aftermath ng pagputok ng dot-com bubble noon.
“Kung titignan natin yung nangyari sa crash ng dot-com bubble, halos lahat ng project o kumpanya na nagtayo ng internet business noon hindi na nakabalik,” dagdag pa niya.
Bukod pa dun, mabilis din ang usad ng technology ngayon kaya mas mahigpit ang kompetisyon. Ginamit niyang halimbawa ang mga luma at unang batch ng mga altcoin na nalipasan na ng mas magagandang solusyon na dumating sa mga sumunod na cycle.
May mga pagkakataon din na nawala na ang problema na dapat ay ise-solve ng mga project na ito, kaya hindi na sila relevant o sustainable sa long-term. Kahit nakakatulong ang institutional adoption para sa buong crypto industry, pwede rin nitong lalong iwan ang mga maliliit na project.
“Halimbawa, yung Neo nung 2017, ngayon sobrang dami nang mas mahusay na solusyon sa problemang gusto nilang i-solve… Habang pumapasok na ang malalaking institution, maganda ito para sa buong industry pero mahirap na laban ito para sa mga maliliit na team na hindi kayang sumabay,” dagdag ni Van de Poppe.
Bagamat nagbabala si Van de Poppe na marami ang mamamatay na altcoins sa 2026, nilinaw niyang meron pa ring mga project na may tsansang maka-survive. Sa analysis niya, yung mga altcoin na malaki ang difference sa pagitan ng price at totoong development — sila ang pinakalamang magtagal.
Sabi pa niya, yung mga project na tuloy-tuloy ang pagtaas ng on-chain activity, TVL, transaction volume, at fee generation kahit nanghihina o bumabagsak ang token price, sila ang may long-term potential na mag-survive. Bilang sample, binanggit niya ang Arbitrum, Aave, at NEAR.
“Bagsak man presyo ng Arbitrum ngayon kung ikukumpara noon, pero halos 200% naman ang inangat ng tinatayang ecosystem nila sa parehong yugto. Doon mo makikita ang mga solidong altcoin,” komento ni Van de Poppe.
Ang analysis na ito ay akma rin sa sentimento ng buong industriya na baka hindi mangyari ang isang malawakang altcoin season, at konting piling asset lang ang makikinabang habang mas nagiging mature ang market.
Kaya sa susunod na cycle, mas lalaki pa ang agwat ng mga altcoin na makaka-survive kumpara sa mga tuluyan nang mawawala. Bagamat pwedeng malugi ang marami sa short term, pwede rin nitong gawing mas matatag ang crypto ecosystem dahil ang value ay magfo-focus lang sa mga matibay at may future talaga na projects.