Pinredict ni Coinbase CEO Brian Armstrong na magbabago ang posisyon ng mga US bank tungkol sa stablecoin regulation at sa huli, sila pa mismo ang maglo-lobby sa Congress para payagan na magbigay ng interest sa mga digital asset na ‘to.
Kinontra ni Armstrong ang kasalukuyang galawan ng banking sector na gusto talagang tanggalin ang yield-generating features sa GENIUS Act. Ipinost niya ang forecast niya nitong December 27 sa X.
Armstrong Predict: Pwede Mag-U-Turn ang Mga Bangko sa Pag-ban ng Stablecoin Interest
Sabi niya, pinoprotektahan pa ng mga bangko ang low-cost deposits pero mapipilitan din silang i-adopt ang bagong technology para makalaban sa pagkuha ng kapital.
“Ang prediction ko, magbabago ng side ang mga bangko at sila na mismo ang maglo-lobby para sa ability na magbigay ng interest at yield sa stablecoins sa mga susunod na taon,” sabi ni Armstrong.
Pinapakita ng prediction na ‘di lang ordinaryong regulatory issue ang laban sa GENIUS Act ngayon. Nangyayari ang clash sa pagitan ng old-school profit protection ng banks at inevitable na pagbabago sa market.
Ang GENIUS Act na pinirmahan nitong July 2025 ay nagbabawal sa mga issuer tulad ng Circle at Tether na magbigay ng interest direkta sa mga may hawak ng stablecoins.
Pumapayag din ang law na ‘to sa mga intermediary — tulad ng exchanges — na ipasa ang yield mula sa Treasury reserves papunta sa mga users.
Kaya naman, nagpe-petition ang mga banking lobbyist sa mga mambabatas para buksan ulit ang batas at isara ang loophole na ‘to.
Ayon sa kanila, kaya na ngayong mag-offer ng non-bank platforms ng halos risk-free Treasury yields na nasa 4% hanggang 5% sa liquid cash equivalent. Sa ganitong setup, hirap makalaban ang traditional banks kung di nila itataas ang deposit rates — kaya lumiliit ang kita nila sa net interest margin.
Para kay Armstrong, isang “red line” para sa crypto industry ang mga pagtatangkang baguhin na ang napasa nang batas.
Pinuna ni Armstrong ang diskarte ng banking lobby at tinawag pa niyang “mental gymnastics”. Tinuro niya rin ang kalokohang ginagamit pang dahilan ang safety issues pero business model naman nila ay magbigay ng sobrang baba na interest sa depositors nila.
Sinabi din ng Coinbase CEO na ang lobby spending ng mga banking trade group ay “100% sayang lang na effort.”
Kapansin-pansin din na may coalition ng 125 crypto companies kasama na ang Coinbase, na kamakailan lang nagsumite ng liham sa Senate Banking Committee na tinututulan ang anumang revision sa bill. Sabi nila, kapag binuksan nanaman ang batas na ito, lalo lang magugulo at mawawala ang regulatory certainty.
Ipinapakita ng posisyon ni Armstrong na sa huli, mawawala na rin ang kakayahan ng mga bank na manatili sa halos zero rate ang deposits. Imbes, baka magsimula na ang mga bangko mag-issue ng sarili nilang tokenized dollars para masalo yung yield spread mismo.
Hangga’t ‘di pa nangyayari ang shift na ‘yan, ang Coinbase at iba pang kaparehong platform ay tuloy ang pagdepensa sa current setup na nag-aallow sa kanila na maging access point ng mga dollar holders sa high yield.