Opisyal nang naabot ng Monero (XMR) ang bagong all-time high matapos pumalo sa $598. Pumalo na rin sa mahigit $10 billion ang market cap nito, unang beses na umabot sa ganitong level. Maraming analyst ang bullish pa rin at naniniwala na nagsisimula pa lang ang galaw na ito.
Lalo pang tumindi ang optimism nang i-compare ni veteran trader Peter Brandt ang price movement ng XMR sa silver.
Pwede Bang Maging “Silver” ng Crypto Market ang Monero?
Noong January 12, lumabas sa data ng BeInCrypto na Monero (XMR) umangat ng lampas 30% kumpara noong Sabado ng nakaraang linggo. Nagte-trade ito higit sa $585, habang lampas $10.7 billion na ang market cap.
Tumaas din ang trading volume na lagpas $300 million, pinakamatindi nitong nakaraang buwan. Dahil dito, nalagpasan ng XMR ang dating cycle high na $515. Maraming analyst ang naniniwala na pwede pang magtuloy-tuloy ang rally.
“Tuloy-tuloy ang matinding pag-akyat ng presyo. Halos dinaanan lang ang mga previous resistance at malakas talaga ang momentum dahil kakaunti lang ang pullback. Malinaw pa rin na bullish ang structure. Pumapasok ang mga buyers kapag may dips at wala pang signs na nagsi-sell off ang malalaking holders,” ayon kay analyst 0xMarioNawfal sa X.
Kinumpara ni Peter Brandt ang movement ng XMR sa historical breakout ng silver. Tiningnan niya ang XMR sa monthly chart at silver naman sa quarterly chart.
Parehong nagpakita ng dalawang major peak sa mga nakaraan na nag-form ng matagalang resistance trendline. Nahulog sa blue trendline ang silver, pero nakalampas ito at naglabas pa ng matinding “god candle.”
Style ni Brandt na hindi magbigay ng specific na price target para sa XMR. Pero mukhang posible na magpakita rin ng “god candle” sa monthly chart ng XMR kapag mabasag ang trendline nito.
Umabot na rin sa pinakamataas mula 2023 ang XMR dominance, o yung bahagi ng XMR sa total crypto market cap.
Habang nasa all-time high na ang presyo, nananatiling mababa pa rin ang dominance. Nagpapakita ito na malaki pa ang potential ng XMR, kaya pwedeng maglipatan ng kapital mula sa ibang altcoins papunta dito.
Pwede Umingay ang Monero Habang Tumitindi ang Geopolitical Tensions
Maraming rason kung bakit mukhang XMR ang mag-ooutperform sa 2026. Isa sa mga report ng BeInCrypto kamakailan ay nag-highlight ng tatlong dahilan. Kasama rito ang tumataas na demand para sa privacy dahil humihigpit ang tax enforcement at nagbabago ang kumpiyansa ng mga investor, lalo na matapos madismaya ang Zcash team sa kanilang mga holders.
Mukhang posibleng magpatong pa ang geopolitical tensions na dagdag na lakas para sa XMR.
Kamakailan, nag-freeze ang Tether ng mahigit $182 million na USDT sa limang Tron wallets na konektado sa illegal na finance. Sa report ng TRM Labs, lumalabas na ginamit ang Tron-based USDT sa pag-galaw ng pera papunta sa Iran Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC). Mahigit $1 billion din ang nailipat ng mga kumpanyang registered sa United Kingdom.
Ginamit din ng Iran ang mahigit $2 billion sa crypto para pondohan ang proxy militias at makalampas sa sanctions, ayon sa report.
Kapag madaling ma-trace at ma-freeze ang mga stablecoin at non-private altcoins, natural na lilipat ang kapital sa mas “safe” na ruta. Dito, malaki ang chance na maging unang choice ng mga tao ang Monero.