Nananatiling nasa loob ang presyo ng XRP ng isang pababang parallel channel, na isang bearish na technical pattern na nagsimula pa bandang kalagitnaan ng Hulyo.
Pero kahit ganun, nagawa pa ring lumaban ng token na ginagamit sa Ripple ecosystem, kahit naglabasan ang mga pondo sa crypto at umabot ng $446 milyon ang outflows nitong nakaraang linggo.
Habang Umaabot sa $446M ang Crypto Outflows, XRP Kumikontra sa Trend
Ayon sa pinakabagong report ng CoinShares, umabot sa $446 milyon ang lumabas na pondo sa crypto nitong nakaraang linggo. Mas mababa ito kumpara sa $952 milyon na negative flows na naitala noong week ng December 20.
Pero sa parehong mga linggo, nagawa pa ring kontrahin ng XRP ang trend dahil nagkaroon ito ng positive fund flows kahit bagsak sina Bitcoin at Ethereum.
Matapos makakuha ng $62.9 milyon na positive flows noong week bago mag-Pasko, nadagdagan pa at umabot sa $70.2 milyon ang papasok na pondo sa XRP nitong nakaraang linggo. Samantala, nabawasan ng $443 milyon si Bitcoin at negative rin ang Ethereum na may outflow na $59.3 milyon.
“Ibig sabihin, hindi pa nakakabawi ang sentimyento ng mga investor… Ang XRP at Solana ang may pinakamalaking inflows nitong nakaraang linggo, nasa $70.2 milyon at $7.5 milyon ang pumasok sa kanila,” ayon sa bahagi ng CoinShares report.
Ipinaliwanag ni James Butterfill, head ng research sa CoinShares, na malaki kasi ang hatak ng positive sentiment sa XRP at Solana dahil sa kanilang ETF launch noon pang kalagitnaan ng Oktubre.
“Simula nung mag-launch ng ETF sa US noong kalagitnaan ng Oktubre, nakatanggap na ng $1.07 bilyon at $1.34 bilyon na inflows ang XRP at Solana, at para bang naiiwan sa negative sentiment ang ibang assets,” dagdag ni Butterfill.
Totoo nga at napansin ng BeInCrypto na tuloy-tuloy ang pagpasok ng positive flows sa mga XRP ETF nitong mga nakaraang linggo, na posibleng dahilan kung bakit umabot sa $70 milyon ang inflows noong isang linggo.
Tumatindi ang Pressure habang XRP Nagco-consolidate sa Bearish Pattern
Kahit pabor pa rin ang flows ng pera sa mga fund na related sa XRP, hindi pa rin nakaka-breakout ang presyo ng Ripple dahil nga parang sinasalubong ng mga nagbebenta tuwing may konting rally sa presyo. Iba rin ang sinasabi ng on-chain data at charts.
Habang nananatili ang presyo ng XRP sa loob ng channel, malamang na magpatuloy pababa ang value nito. Kapag bumagsak at nagsara sa ilalim ng $1.77 na support, pwede pang bumaba hanggang $1.50, mga halos 20% ang bawas mula sa kasalukuyang presyo.
Paano nga ba maiiwasan ni XRP na mangyari ‘yun, gayong mas lamang pa rin ang mga bear kumpara sa mga bull na gustong mag-trade kapag may saglit na rally? Pinapakita ng bearish volume profiles (red horizontal bars) kung saan nag-aabang ang mga seller, habang ang green bars naman nagre-represent ng mga buyer.
Yung Relative Strength Index (RSI)
Sa kabilang banda, green na ang Awesome Oscillator pero negative pa rin ang territory. Ibig sabihin, nababawasan na yung gigil ng mga bear, pero hindi pa rin sumasabak ng todo ang mga bull.
Bawat maliit na bounce ng RSI, hindi pa rin niya nababasag ang midline at nirerespeto pa rin ang upper boundary ng pababang channel. Patunay na intact pa rin ang current trend.
Paano magbabago ang takbo ng presyo ng XRP? Kailangan ng malinis na RSI break sa ibabaw ng 50, lalo kung kasabay ng breakout pataas mula sa channel — ito ang unang senyales na baka magpalit na ng direksyon ang trend.
Mas maganda kung mag-aantay ang mga buyer ng malinaw na breakout at successful retest ng presyo sa ibabaw ng upper trendline ng channel. Hangga’t ‘di pa nangyayari ito, mga relief bounce lang muna ang nakikita sa mga rally.