Umabot na sa mahigit $1 billion ang net assets ng spot XRP exchange-traded funds (ETFs), habang halos $991 million na ang pumasok na panibagong investments dito.
Kapansin-pansin na kapag nagpatuloy ang lakas nitong galaw, baka mahigitan pa ng XRP ETF inflows ang $10 billion pagdating ng 2026, ayon sa mga analyst.
XRP ETF Umabot na sa $1 Billion ang Total
Ayon sa datos ng SoSoValue, lumampas na sa $1 billion ang total net assets na hawak ng mga spot XRP ETF nitong nakaraang Huwebes. Sa ngayon, nasa bandang $1.18 billion na ang kabuuang bilang nito.
Sinabi ni Steven McClurg, CEO ng Canary Capital, na kahit na mas nauna nag-launch ang mga Solana-based ETF, in-overtake na ngayon ngXRP ETF ang Solana ETF pagdating sa total AUM, na nagpapakita ng mas matinding investor interest dito.
“In-expect ko na ‘to. Mas madaling i-hold on-chain at i-stake ang SOL para sa retail, pero mas mataas ang institutional demand para sa XRP at walang staking. Katulad ng iba, may mga tao na mas gusto ang direct ownership, at mayroon din na mas gusto ang kaginhawahan ng financial instruments. Yung iba, sabay gagawin,” sabi ni McClurg.
Samantala, tuloy-tuloy ang positive net flows sa XRP spot ETFs at umabot na sa $990.9 million ang kabuuang inflows dito. Basahin dito ang detalye.
Sa ngayon, lima ang asset managers na nag-o-offer ng spot XRP ETF products, kasama ang Grayscale, Franklin Templeton, Bitwise, at Canary Capital. Pinakabago dito ang 21Shares na nagpalawak ng market nang i-launch nila ang XRP ETF na TOXR para mas lalong dumali ang access ng investors.
Naging turning point ang pagdating ng mga ETF na ‘to para sa investors. Ilang taon ding hindi mailagay sa mga traditional investment vehicle ang XRP dahil sa regulatory uncertainty. Pero dahil sa spot ETFs, natanggal na yung sagabal na yun kaya mas marami na ang pwedeng sumali gamit ang regulated channels.
Optimistic ang mga market analyst sa patuloy na growth. Isa pang analyst ang nagsabi na kahit limitado pa lang ang mga spot XRP ETF ngayon, malaki na agad ang na-achieve nitong inflows.
“Limang spot ETF pa lang ‘yan. Wala pa ang BlackRock o yung 10-15 ETF exposure. Pero paparating na rin sila,” post ng X Finance Bull.
Kung titingnan ang takbo ngayon, nagsa-suggest ang analyst na kung magpapatuloy ang mga weekly inflows sa halos $200 million, baka mahigitan pa ng cumulative inflows ang $10 billion pagdating ng 2026.
“Imagine mo yung flow na ‘to: around $200M per week tapos dire-diretso ‘yan hanggang 2026. Lagpas $10 BILLION na ‘yan sa net inflows at mahigit 5 BILLION XRP ang naka-lock kung ganito parin ang bilis. Sa level na ‘yan, parang myth na lang ang liquid supply. Ganyan nagsisimula ang supply shock. Habang ang retail emotionally nagbebenta tuwing dips, ang institutions steady bumili kapag may value,” dagdag niya.
XRP Long-Term Price Prediction at Market Outlook: Ano ang Puwedeng Mangyari sa Presyo?
Kahit malakas ang inflows sa spot XRP ETFs, mukhang hindi pa rin masyadong gumagalaw pataas ang presyo ng token. Ayon sa nakaraang ulat ng BeInCrypto, hindi pa gaanong naaapektuhan ng developments sa ETF at ng expansion efforts ng Ripple ang presyo sa market ng XRP.
Base sa BeInCrypto Markets data, halos 13% ang binaba ng XRP nitong nakaraang buwan. Sa ngayon, nagte-trade ito sa $2.00, o bagsak ng 0.91% sa loob ng 24 oras.
Pero kahit ganon, meron pa ring mga analyst na nagpe-predict ng potential na paglipad ng presyo. Napansin ni market commentator Xaif Crypto na malakas pa rin ang galawan ng mga whales o malalaking holder pagdating sa XRP trading.
“Ngayong mga nakaraang araw, dumarami ang pagbaba ng XRP, halos umabot na ito sa pinakamababang presyo ngayong taon. Pero kahit bumabagsak, mga whales pa rin ang nangunguna sa trading—aktibo silang nagte-trade ng XRP,” sabi niya.
Ayon din sa analyst, madalas nangyayari ang ganitong kilos kapag malapit nang mag-bottom ang market, kung saan nagtatayo ang malalaking investors ng posisyon para sa posibleng trend reversal.
“Ang mga whales nag-a-accumulate bago mag-rally at hindi bumibili kapag taas na. Kapag ganito ka-active sila, ibig sabihin naghahanda sila para sa uptrend ng XRP,” dagdag pa niya.
Kung titingnan overall, pinapakita ng mabilis na pagdami ng spot XRP ETF na malaki ang interest ng mga malalaking institusyon sa asset na ito, kahit medyo tahimik pa rin ang galaw ng presyo. Mukhang malakas ang tiwala ng mga investor para sa long term base sa inflows, pero so far, hindi pa nakakakita ng epekto sa short term ang presyo ng XRP. Ang tanong ngayon: matutupad kaya ang prediction ng mga analyst na malapit na tumaas ang trend nito, o may babagsak pa sa presyo ng XRP? ‘Yan ang aabangan natin.