Pinag-uusapan ngayon sa crypto Twitter ang kakaibang pagtaas ng AccountSet at AMM Bid transactions sa XRP Ledger ngayong linggo. Nakapag-proseso ito ng higit 40,000 AccountSet transactions noong huling bahagi ng Nobyembre, na siyang pinakamataas na configuration activity nito sa loob ng ilang taon.
Nagpatuloy ang aktibidad kahit tapos na ang batch updates ng BitGo. Ipinapahiwatig nito na may mga bagong entities na naghahanda o nagre-reconfigure ng maraming accounts, imbes na ang karaniwang custodial adjustments lang.
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagtaas ng AccountSet
Ang AccountSet transactions ay nag-uupdate ng settings tulad ng security flags, AMM (Automated Market Maker) permissions, at multi-sig configurations. Karaniwang ginagamit ito ng mga institusyon para ihanda ang accounts para sa bagong serbisyo o liquidity operations.
Kung ganito kalaki ang pagtaas, mukhang may structured onboarding na nangyayari. Sinasabi ng mga analyst na baka sakop nito ang custodians, market makers, o automated systems na nagco-configure ng XRPL accounts sa malaking scale.
Parang network preparation ito at hindi normal na retail behavior.
Yung mga nakaraang pagtaas na konektado sa custodial maintenance ay hindi umabot sa kasalukuyang levels, na nagpapatunay na mayroong mga bagong participants na pumapasok sa network.
AMM Bid Activity Nagpapakita ng Liquidity Positioning sa XRP
Bukod dito, tumaas din ang AMM Bid transactions pagkatapos ng Nobyembre 23. Ang mga transactions na ito ay tumutulong sa liquidity providers para makakuha ng AMM auction slots at pumwesto sa loob ng XRPL’s automated market-maker pools.
Ang matinding pagtaas ay nagsasabing naghahanda ang liquidity actors para makasecure ng early positions. Kadalsan, ang mga naunang bids ang mas nakakakuha ng pinaka-profit na rewards, kaya mahalaga ang timing dito.
Kasabay ng AMM spike ay ang pag-develop sa mas malawak na XRPL. Ang RLUSD approvals, pag-usad ng AMM rollout, at institutional onboarding ay pawang pabilis ng pabilis kamakailan. Posible itong maging dahilan para sa biglaang liquority movement.
XRP ETF Inflows Nagbigay ng Dagdag na Perspektibo
Dumating rin ang spike matapos ilunsad ang spot XRP ETFs sa United States. Nagkaroon ito ng $643.92 million sa net inflows at umabot sa $676.49 million ang kabuuang ETF assets.
Tumaas ang inflows sa siyam ng huling sampung sessions, nagpapakita ng matinding institutional demand.
Kahit na hindi direktang naapektuhan ng ETF inflows ang XRP Ledger, naimpluwensyahan nito kung paano niri-risk manage ng custodians ang XRP storage at security.
Maaaring magdulot ang malakas na ETF demand ng bagong institutional custody accounts, reconfigured storage systems, pinalawak na wallet infrastructure, at paghahanda para sa mas mataas na settlement activity. Madalas na sangkot ang mga prosesong ito sa AccountSet transactions.
Kaya, baka ang ETF wave na ito rin ang dahilan ng pagtaas ng configuration.
Epekto sa Mercado
Ang sabay-sabay na pagtaas ng configuration at AMM activity ay nagpapakita ng structural preparation sa ilalim ng XRP ecosystem. Karaniwang nauuna ang ganitong aktibidad sa network upgrades, liquidity expansion, o bagong institutional pipelines.
Kahit na volatile pa rin ang presyo ng XRP, ang data ng ledger ay nagpapakita ng pagtaas ng backend activity. Nakikita ng market watchers ang patterns bilang early indicators ng mas malawak na engagement, kaysa isolated anomalies lang.
Sa ngayon, wala pang pampublikong pahayag ang mga developer.
Gayunpaman, ang coordinated na pagtaas ng AccountSet at AMM Bid transactions ay nagpapahiwatig ng matinding pagbabago sa infrastructure ng XRP Ledger.