Bumaba ang presyo ng XRP pagkatapos ng malakas na rally noong nakaraang linggo, pero kung titignan mo ang galaw ng presyo, mukhang solid pa rin ang structure nito. Merong classic na inverse head-and-shoulders pattern na nabubuo ngayon at kung magtutuloy-tuloy ito, posible pang tumaas ng mga 34% ang presyo ng XRP kapag lalakas pa ang buying pressure.
Pero pagdating sa on-chain data, hindi lahat ng mga bumibili ay pare-pareho. Yung ibang accumulation, nakakatulong sa potential breakout, pero meron ding mga buying pattern na nagdadala ng risks sa short term. Mukhang posible ang breakout setup, pero yung mix ng mga taong bumibili ang magdidikta kung tuloy-tuloy bang aakyat ang XRP price o baka maipit ulit sa consolidation.
Chart Mukhang Support Pa Rin ang Breakout Attempt
Yung recent na pagbaba ng XRP ay parang gumagawa ng right shoulder ng inverse head-and-shoulders pattern. Nangyayari ito kapag humihina na ang selling pressure pagkatapos ng matinding pagbaba, tapos unti-unti nang binabalik ng buyers ang control sa market. Basta mag-stay ang price sa taas ng $1.77, valid pa rin ang pattern na ito. Kapag umangat ang presyo above the neckline, posible itong pumalo ng 34% pataas, mga malapit sa $3.34.
May isa pang technical signal na nagpapalakas din ngayon. Malapit nang mag-crossover ang 20-day exponential moving average (EMA) sa 50-day EMA. Ang tawag dito ay golden crossover.
Ang exponential moving average (EMA) ay mas matimbang ang recent prices, kaya mabilis mag-react ‘to sa pagbabago ng trend kumpara sa simple moving average.
Kapag ang mas maikling average ay umangat sa mas mahabang average, kadalasan sign yan na gumaganda ang momentum at tumatatag ang trend. Habang nagko–consolidate ang XRP, nabubuo itong crossover, na madalas senyales na mas malamang na magtuloy-tuloy ang uptrend kaysa bumagsak.
Gusto mo pa ng iba pang crypto token insights? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Supportado rin ng momentum data ang ganitong pananaw. ‘Yung MFI o Money Flow Index, na sumusukat kung pumapasok o lumalabas ang pera sa isang asset, ay paakyat kahit bumababa ang price mula pa noong early November.
Ibig sabihin, bawat pagbaba ng XRP, lagi pa ring may mga bagong pumapasok na buyers. Sa madaling salita, steady pa rin yung demand kahit na bumaba-baba ang presyo nitong mga nakaraang linggo.
Sumusuporta sa Presyo ang Whale Accumulation, Pero Timing pa Rin ang Laban
Lumalabas sa on-chain data na may dalawang malalaking grupo ng holders (whales) na aktibong nag-a-accumulate ng XRP. Para sa mga wallets na may hawak na 1 million hanggang 10 million XRP, tumaas ang hawak nila mula nasa 3.54 billion tokens papuntang 3.55 billion pagkatapos ng January 5. Mukha man maliit ‘yan, pero ang mahalaga dito ay consistent silang nadadagdagan. Tuloy-tuloy ang pagbili nila kahit bumababa ang presyo, na nagpapakita ng matibay na tiwala.
Yung mas malalaking holders, yung may hawak na 10 million hanggang 100 million XRP, iba ang galaw. Noong rally, nagbawas sila ng hawak, mukhang nag-profit taking, pero nung nagsimula nang mabuo yung right shoulder, nagdagdag ulit sila. Umakyat mula 11.07 billion XRP ang holdings nila papuntang 11.13 billion XRP — dagdag yan ng mga 60 million tokens. Sa presyo ngayon, halos $130 million worth ng bagong accumulation yan.
Mahalaga ang timing na ‘to. Hindi na basta humahabol ang malalaking holders sa lipad ng presyo. Bumibili sila habang nagco-consolidate pa ang XRP, na usually sumusuporta sa mga setups na tulad ng inverse head-and-shoulders patterns.
Short Term Buyers, Sila Ba ang Risk sa Presyo ng XRP?
Pero yung pinaka-risk sa possible breakout ng XRP ay hindi galing sa galaw ng mga whales. Galing ‘to sa sobrang dami ng short-term traders na biglang pumapasok agad-agad.
Kita sa HODL Waves data (saan kinukuwenta ang mga holders base sa tagal ng hawak nila) na yung mga super short-term na holders — mga hawak lang ng XRP ng 1 araw hanggang 1 linggo – ay biglang lumobo ang share starting December 30. Umalis sila sa 0.6% at umakyat papuntang 1.33% ng kabuuang circulating supply. Sanay silang mag-react ng mabilis sa galaw ng presyo – karaniwang bumibili sila kapag may breakout tapos nagbebenta tuwing may pullback, kaya nagkakaroon ng pressure habang consolidation pa lang.
Nakakaapekto ‘tong behavior na ‘to at puwedeng maging sagabal para sa malinis na breakout. Kapag mga short-term traders ang dominating, hirap ang price na tumagos sa resistance nang dire-diretso, at madalas ilang beses munang mag-reretest bago makalagpas.
Kung price action ang pagbabasehan, malinaw ang mga level. Kailangan mag-close nang malinis ang XRP sa daily above $2.46 para i-challenge ang resistance, at kapag nag-confirm sa ibabaw ng $2.54, validated na ang breakout. Kapag nangyari ‘yun, pwede nang buksan ang daan papuntang $3.19 at posibleng umabot pa sa $3.34, na sakto sa 34% projection.
Sa kabila, kapag nag-close ang daily sa ilalim ng $2.13, mahihina ang momentum at maaaring ma-delay ang galaw ng presyo. Kapag bumaba pa, support na lang makikita sa bandang $1.95 at $1.77, kung saan gumagana pa rin yung pattern pero mas stretched na.
Matibay ang setup ng XRP at mukhang legit na accumulation ang nangyayari ngayon.
Pero hindi lang quantity ng buyers ang important, ‘yung kalidad din. Kapag yung mga pang-matagalan na buyers ay hindi agad nawawala at yung short-term selling ay humupa, mas may chance tuloy-tuloy ang breakout.