Back

Baka Ma-Breakdown ang XRP Bago Mag-2026? Tatlong Signal Mukhang May Problema

author avatar

Written by
Ananda Banerjee

27 Disyembre 2025 20:30 UTC
  • Nagbebenta na mga retail at 2–3 year holder kahit ‘di gumagalaw ang presyo.
  • CMF Negatibo Pa Rin, Bumabagsak Palapit sa Breakdown-Risk Trendline
  • Kailangang Depensahan ng XRP ang $1.81 Para ‘Di Tuloy ang Pagbagsak

Nasa -1.6% ang bagsak ng XRP nitong nakaraang 24 oras. Sa weekly chart, isa pa rin ito sa mga mahina ang galaw sa mga malalaking coin, nasa 16% ang binaba nito kumpara noong nakaraang buwan. Halos lahat ng price action nangyayari malapit sa baba ng descending triangle pattern, na kadalasang nagri-resulta sa tuloy-tuloy na big movement pababa.

Hindi pa ito ibig sabihin na confirmed na ang breakdown, pero may tatlong market signal na dapat bantayan ng mga trader na pwedeng magpaingat sa mga huling araw ng 2025.

Pareho Ng Galaw Ng Retail at Mga Long-Term Holder

Na-stuck pa rin ang XRP sa loob ng descending triangle at halos wala itong galaw malapit sa lower trendline. Tumaas effind konti ang presyo mula December 18 hanggang December 27, pero baliktad ang galaw ng Money Flow Index (MFI) sa panahong ito.

Ang MFI, sinusukat nito kung lumalabas o pumapasok ang pera sa asset. Pag bumababa ang MFI habang tumataas ang presyo, ibig sabihin madaming retail na nagbebenta tuwing tumataas ang presyo imbes na mag-accumulate pa ng coin.

Dahil dito, naiipit ang presyo ng XRP sa lower boundary ng pattern at hindi man lang natitest yung upper line.

Weak Retail Participation
Mahinang Retail Participation: TradingView

Gusto mo pa ng mga ganitong token insights? Mag-sign up ka sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.

Lalong nakakabahala kapag tiningnan natin yung galaw ng long-term holders.

Ayon sa HODL Waves, na nagpapakita kung gaano karaming supply ang hawak ng bawat age group, bumaba ang mga wallet na may hawak ng XRP sa loob ng 2–3 taon mula 14.26% noong November 26, ngayon nasa 5.66% na lang ito noong December 26.

Sila yung mga matagalang holders na may conviction, at kapag nagbebenta sila, nababawasan ang market support. Normal na mahina ang retail. Pero kapag pati yung long-term holders sumasabay, ibang usapan na ‘yan.

Holders Dumping XRP
Nagbebenta na rin ang mga Holders ng XRP: Glassnode

Dahil dito, parehong short-term at long-term na mga trader ang lumalabas sa XRP. Lumalabas ang kapital sa XRP.

Mukhang Humihina ang Demand Base sa Capital Flow

Kung humihina na ang retail at long-term conviction, sunod na titingnan ang capital flow—ito yung pangatlong main signal.

Wala ring positibong pinapakita ang Chaikin Money Flow (CMF). Ang CMF, sinusukat neto ang buying at selling pressure base sa volume at galaw ng presyo. Negative pa rin ang malaking money flow indicator sa XRP at pababa ito sa support trendline.

Weak CMF
Mahinang CMF: TradingView

Sa madaling salita, kahit parang wala masyadong galaw ang presyo, kumokonti yung pumapasok na malaking kapital sa XRP at mas lamang yung supply kaysa demand. Dahil walang signs ng pag-angat sa CMF, isa na namang potential safety net ang nawawala sa market.

Kaya nananatili pa ring flat ang presyo ng XRP at hindi makabawi.

Saang Presyo Kakapit ang XRP o Tuloy ang Breakdown?

Sa ngayon, naiipit ang XRP sa pagitan ng $1.90 at $1.81. Nahulog na nito yung $1.90 level noong December 22 at hindi pa niya nababawi simula noon. Kung mababawi niya ang $1.90 at gumalaw paakyat sa $1.99, yun ang magiging unang sign ng lakas.

Ibig sabihin din nito pwede nang umangat ang presyo sa ibabaw ng triangle pattern at magbigay pag-asa sa mga bulls.

Pero sa ngayon, mas malinaw pa rin ang bearish scenario kaysa bullish.

Kapag bumagsak pa sa $1.81, pwedeng tuluyang lumabas ang XRP sa descending triangle pattern—ibig sabihin confirmed na yung breakdown. Baka umabot pa ng $1.68 kapag bumagsak ang structure at pwedeng $1.52 pa lalo kapag lumakas ang selling.

XRP Price Analysis
XRP Price Analysis: TradingView

Hindi pa ito sigurado, pero wala pang nakikitang baligtad na signal ang market. Hangga’t tuloy-tuloy ang benta ng mga retail, long-term na bentahan, at humihina pa rin ang pumapasok na pera, kailangan talagang magpakatatag ang presyo ng XRP kung gusto nitong manatili sa current range.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.