Halos nasa $1.99 ang trading price ng XRP ngayon, na bumaba ng mga 1% sa nakalipas na 24 oras. Kahit medyo magulo ang galaw ng market, mga 4% lang ang ibinaba nito ngayong linggo — meaning, mas stable siya kumpara sa ibang mga altcoin gaya ng ADA at BCH.
Mas importante pa, nagpapakita ang chart ng maagang bullish reversal signal. Wala pang confirmation, pero kapag nagtuloy-tuloy na matibay ang key level nito, tumataas ang chance na mag-rebound siya short term — posibleng tumaas ng mga 9%.
Nagpakita ng Bullish Divergence Habang Pinoprotektahan ng XRP ang Matinding Support
Nag-form ang XRP ng bullish divergence sa daily chart mula December 1 hanggang December 14. Kapag bullish divergence, usually mas mababa ang presyo pero ang Relative Strength Index (RSI) naman ay gumagawa ng mas mataas na low. Ang RSI ay isang momentum indicator para masukat kung gano kalakas ang buying at selling. Kapag umaangat ang RSI kahit bumababa ang price, madalas sign ito na humihina na ang selling pressure.
Sa daily chart, pwedeng mag-lead ang ganitong bullish divergence sa trend reversal — mula bearish paakyat sa bullish.
Pero, hindi pa sapat ‘yung divergence lang. Kailangan mag-hold din mismo ang support price ng XRP.
Gusto mo pa ng mga token insights na ganito? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Nasa bandang $1.97 ang support na ‘yan. Paulit-ulit itong naipagtatanggol ng XRP, at ayon sa on-chain data, malinaw dito kung bakit.
Pinapakita ng cost basis heatmap na marami talagang XRP ang binili sa pagitan ng $1.97 at $1.98.
Nasa 1.79 billion XRP ang naipon sa price range na ‘to. Ang isang cost basis heatmap ay nagpapakita kung saan bumibili ng marami ang mga holder. Kapag nasa gantong price levels ang trading, mas bihira nang magbenta ng lugi ang mga ito, kaya mas matatag ang support.
Habang xRP nananatili sa ibabaw ng $1.97, valid pa rin ang bullish divergence theory, basta malakas pa rin ang RSI.
$2.17, Una Talagang I-te-test ang Lakas ng Bulls
Kapag nag-hold ang support, may room pang tumaas ang XRP. Ang unang target pataas ay near $2.17, o halos 9% ang potential lipad mula sa current level.
Importante ang level na ‘to dahil heavy supply ang pinapakita sa cost basis heatmap sa pagitan ng $2.16 at $2.17. Mga 1.36 billion XRP ang nabili sa zone na ‘yan. Ibig sabihin, malakas ang resistance dito — maaaring lumutang ang maraming sellers.
Kapag nabreak ng XRP ang $2.17 na may daily candle close, pwedeng magbukas ng daan papunta $2.28, tapos $2.69, at eventually $3.10. Pero, secondary levels muna ang mga ‘yan at nakadepende pa rin sa takbo ng buong market.
Kung bumaba naman ang XRP price below $1.97 sa daily close, mahina ang reversal setup at baka buwelo pababa sa $1.81 at $1.77.
Sa ngayon, parang nasa decision point ang XRP price. Naka-activate na ang bullish reversal signal, pero magmamatter lang talaga to kung matibay pa rin ang pinaka-importanteng support level.