Malupit ang pag-angat ng presyo ng XRP — umakyat ito ng halos 33% mula sa pinaka-mababang value noong December 31 at tumaas pa ng 11% sa nakaraang 24 oras. Isa ito sa mga pinakamabilis at pinakamatinding rebound ng XRP nitong mga nakaraang buwan, lalo na pagkatapos ng matagal na consolidation phase.
Dahil dito, gumanda ang overall prediction para sa presyo ng XRP, pero wala pang klarong confirmation kung magpapatuloy ito. Lumalakas na ang technical indicators, pero lumalabas din sa on-chain data na papasok na ang market sa medyo critical na profit zone. Kung makakaangat pa sa kasalukuyan ang XRP, nakadepende ito kung paano gagalaw ang presyo sa isang importanteng resistance area.
Lumalakas ang Price Prediction Habang Nagsasabay ang Crossover at Volume Signals, Pero…
Nagsimula ang rebound ng XRP matapos mabuo ang tinatawag na triple bottom malapit sa $1.77 level. Nagsilbi itong suporta ng ilang beses, kaya ngayon, ito na rin ang matibay na base ng rally.
Sumasabay na rin ang mga momentum indicator. Naga-approach ang 20-day exponential moving average (EMA) papunta sa 50-day EMA. Ang EMA ay sumusukat sa average price na mas nagbibigay ng halaga sa latest na galaw ng presyo, kaya kung gumalaw pataas ang mas mabilis na EMA vs. mas mabagal na EMA, usually nagsisignal ito na nagiging bullish ang momentum. Kapag nagkaroon ng confirmed bullish crossover, historically, mas malaki chance magtuloy-tuloy ang trend imbes maging panandaliang pump lang.
Gusto mo pa ng mga token insights na ganito? Mag-subscribe na sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Medyo confirm din ng volume behavior ang bullish bias, pero kailangan pa ring mag-ingat. Yung on-balance volume (OBV), na sumusukat kung may pumapasok o lumalabas na volume sa asset, lumampas na sa pababang trendline. Ibig sabihin, may mga buyers na talaga na sumasabay sa breakout. Pero kahit trending pataas ang presyo ng XRP, hindi pa ganoon kataas yung bagong high ng OBV — nag-iimprove ang buying pressure, pero ‘di pa grabe ang bilisan ng pagbili.
Pansinin din na medyo bumagal ang pag-angat ng OBV malapit sa $2.41 zone — makikita rin sa chart na ito. May mahaba ring upper wick, kaya posibleng nagbabalikan ang mga sellers sa level na ito.
Kung pagsasamahin, natutulungan ng mga signals na ‘to ang price prediction ng XRP — pero kailangan pa rin ng matibay na confirmation ng price sa mas mataas na level.
On-Chain Data: Dumadami ang Nag-a-accumulate Pero Lumalaki ang Pressure Magbenta para sa Profit
Mas lumalim ang analysis dahil sa on-chain data.
Patuloy pa ring nag-a-accumulate ang mga long-term holders — ito yung mga wallet na hawak ang XRP ng matagal at bihirang magbenta. Simula December 30, nagdagdag sila ng mula nasa 9 million XRP araw-araw hanggang umabot sa halos 47 million XRP bawat araw. Ibig sabihin, tumalon ng mahigit 420% ang net accumulation nila habang bullish ang rally, na nagpapakita na mataas pa rin ang tiwala nila sa XRP.
Pero, lumalakas na rin ang profit pressure. Yung long-term holder NUPL (net unrealized profit or loss), sinusukat nito kung gaano kalaki ang tubo ng mga matagalang holders pero hindi pa nila nililiquidate. Umakyat na uli sa level na nakita nung unang bahagi ng December ang NUPL.
Noong mga panahon na iyon, nasa 0.48–0.49 yung level ng NUPL at dito nag-correct ang XRP ng mga nasa 14% sa loob ng siyam na araw. Di naman ibig sabihin na uulitin agad ito, pero pinapakita lang na pumapasok na uli ang market sa zone kung saan karaniwan talagang dumarami ang nag-take profit.
Mahalagang bantayan din na humina ng kaunti ang accumulation ng mga hodler nitong huling dalawang araw — makikita rin sa unang metric kanina. Kahit nagdadagdag pa rin ang long-term holders, mas mabagal na sila mag-accumulate simula January 4. Posibleng nagiging mas mapili na rin sila habang lumilipad ang price at NUPL.
XRP Price Prediction: Nakadepende Na Ngayon Kung Mababasag ang $2.41 Cost-Basis Wall
Lumalabas na halos lahat ng technical at on-chain signals nagsasama-sama malapit sa $2.41 zone.
Makikita sa heatmap ng cost-basis distribution na dito concentrated ang malaking supply cluster. Ibig sabihin, dito maraming bumili dati ng XRP. Sa pagitan ng $2.39 at $2.41, nasa 1.56 billion XRP ang naipon. Kapag bumalik ulit ang price sa zone na ‘to, madalas magbentahan ang mga holders para makabawi o mag-break even — kaya nagiging resistance ito. Kitang-kita rin sa price chart ng XRP kanina na ito ang critical resistance zone na kailangan i-break bago magtuloy ang next rally.
Kaya ganito na-stuck ang presyuhan ng XRP sa $2.41 at hindi na gumagalaw masyado ang OBV, kahit tuloy pa rin sa pag-angat ang NUPL.
Para mapanatili ang pagiging bullish ng price prediction ng XRP, kailangan mag-close ang daily candle sa ibabaw ng $2.41. Kapag nangyari ito, mahina na ang resistance sa itaas at puwedeng pumalo ang next target sa bandang $2.69. Ibig sabihin, may possible pa na dagdag na 13% na upside mula sa kasalukuyang level.
Pero kung hindi makuha ng XRP ang $2.41, tataas ang risk na bumaba pa ang presyo. Ang unang support ay nasa $2.26, at kung bibigay pa ito, malalim na support na ang sumusunod sa $1.90. Kahit matuloy ang pullback, solid pa rin ang overall structure kung mananatiling above $1.77 ang presyo.
May momentum ang rally ng XRP pero dito na talaga papasok ang pinaka-importanteng test. Hindi lang indicators ang magde-decide ng susunod na galaw ng presyo — nakasalalay na kung kaya ng mga buyers gawing support ang $2.41 mula pagiging resistance.