Matindi ang binaba ng presyo ng XRP ngayong January. Mula January 14, bumagsak ang XRP ng mga 16%. Kahit may konting pag-rebound, halos 2% pa rin ang ibinaba ng coin sa nakalipas na 24 na oras kaya nananatiling maingat ang market.
Pero ngayon, maraming signal ang nagpapakitang humihina na ang selling pressure imbes na lalo pang lumakas. Lumilitaw uli ang isang matagal nang reliable na momentum setup, halos wala nang gumagalaw na coin (lowest na in six months), at sobrang talo na ang mga short-term holder. Kadalsan, ganito ang set-up bago magka matinding galaw na kontra sa current na trend.
Mukhang Babalik ang Bullish Divergence na Nagpa-Rally ng 33% Dati
Una, tingnan natin ang signal mula sa momentum.
Sa daily price chart, lumalabas ang bullish divergence sa XRP. Noong November 4 hanggang December 31, bumaba pa ang price, pero ang RSI ay gumawa ng mas mataas na low. Ang RSI ay indicator na tinitignan ang galaw ng presyo kumpara sa recent na mga pagtaas at pagbaba nito. Kapag gumaganda ang RSI kahit humihina ang price, usually ibig sabihin nito ay humihina na rin ang sellers o selling pressure.
Noong huling beses na ganito ang setup, biglang lumipad ang XRP ng mga 33% sa loob lang ng isang linggo.
Gusto mo ng mas marami pang insights tulad nito? Subukan mo mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Ulit na namang lumalabas ang parehong structure mula November 4 hanggang January 19. Bumaba pa rin ang price pero hindi na ito sinabayan ng RSI — imbes, mas tumaas pa nga. Kahit hindi garantiya na uulitin ang 33% na rally ng XRP, nagpapakita ito na lumilihis na uli ang momentum sa trend ng presyo — na kadalasan ay senyales ng pagbabago ng trend.
Pero hindi sapat ang momentum lang. Dapat may confirmation din mula sa galaw ng mga nagbebenta.
Mukhang Nawalan ng Panic Sell—From 83 Million, Halos Wala nang Galaw ang Coin
Galing ang confirmation na ‘yan sa on-chain na data.
May isang bearish signal na usually associated sa panic selling na bumagsak na sa lowest in six months. Ang coin activity base sa edad ng mga hawak (sukat gamit ang Spent Coins Age band metric), mula halos 83 million XRP noong January 15 bumagsak na lang sa halos zero (0.06) nitong January 21. Ibig sabihin neto, sobrang konti na lang ng bawat grupo ng holder ang gumagalaw o nagbebenta ng coin kahit bumababa ang presyo.
Kasabay nito, pinapakita ng short-term holders na pagod na talaga ang selling pressure.
Yung short-term holder NUPL (Net Unrealized Profit/Loss), na sinusukat kung kumikita o talo ang mga recent bumili, malalim ang binaba. Mula January 5, bumaba ito mula -0.03 papuntang -0.235, kaya parang 680% mas malalim na talo. Sa madaling salita, malalim na sa ilalim ang mga short-term holder — halos lahat talo na sa bentahan.
Kapag ganito kalaki ang talo ng mga holder at halos wala nang gumagalaw na coin, nawawala na rin ang motivation para ibenta pa. Humihina na ang selling pressure — hindi dahil lumalakas ang buyer, kundi dahil pagod na ring magbenta ang seller.
So, dahil parang walang masyadong balakid para mag-rebound, usapan ngayon ay saan kaya tatama o titigil ang posibleng bounce ng presyo.
Clusters ng Cost Basis Nagpapakita ng Breakout at Breakdown Levels ng XRP
Pinapakita ng cost basis data kung saan maraming XRP ang dating nabili. Madalas, nagiging resistance ang mga zone na ito kasi yung mga holder na malapit na makabawi, madalas nagbebenta na rin.
Ang first major level ay nasa $2.00 — importante ito psychologically, at dito nabili halos 1.55 billion XRP. Kailangan muna mabawi o ma-reclaim and level na ito bago magsimula ang stabilizing moves.
Sa ibabaw nito, yung pinakamalakas na short-term resistance ay nasa pagitan ng $2.14 hanggang $2.16. Diyan nakaipon ng halos 1.92 billion XRP, kaya maituturing na yan ang pinakamabigat na supply cluster sa ibabaw ng current price.
Kapag lumagpas ang presyo sa $2.17 nang malinaw, ibig sabihin na-absorb na ang mga nagbebenta at malaya na uling umakyat ang XRP ng Ripple. Kung mangyari ito, matutukan na natin ang mas malalapit na target na $2.41, $2.49, at baka umabot pa sa $2.89, base sa XRP price chart.
Pero kapag hindi naprotektahan ang kasalukuyang structure ng presyo, may risk pa rin na bumaba ulit ang market.
Kapag bumagsak ang presyo sa ilalim ng $1.84, mas mahihirapan nang makabawi ulit ang XRP. Sa $1.77 naman, yan ang pinaka-importanteng support level na dapat bantayan.