Patuloy na nahihirapan umangat ang presyo ng XRP dahil sa humihinang lagay ng crypto market. Ilang araw nang naiipit ang token na ‘to sa selling pressure at hindi magtagumpay mag-recover.
Kahit tuloy-tuloy ang bentahan, patuloy pa ring bumibili ang mga XRP investor para depensahan ang mga malalakas na support level at bawasan ang posibilidad ng mas matinding pagbaba ng presyo.
Nagbago ang Pananaw ng mga XRP Holder
Sa ngayon, medyo mahina pa rin ang sentiment sa XRP. Pinapakita ng liquidation data na tumataas ang risk na bumagsak pa lalo ang presyo. Ayon sa liquidation heatmap, malaking risk na hinaharap ng mga XRP long trader kung bumaba ang presyo malapit sa $2.00. Sa may $2.02 level, merong siksik na long liquidations na umabot ng nasa $25.4 million ng mga leveraged position.
Kung mapunta dito ang presyo, pwede agad maglaho ang kumpiyansa ng mga bullish trader. Mapipilitan silang magli-liquidate kaya lalakas ang selling pressure at dadami pa ang short sellers.
Malaki ang chance na magiging mas bearish ang sentiment, lalo na para sa mga derivatives trader na kahit matagal nang pababa ang presyo ng XRP at humihina ang momentum, hopeful pa rin earlier.
Gusto mo pa ng mga insights sa iba’t-ibang tokens? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Kahit mahina ang galaw ng XRP sa short term, may signs na lumalakas ang demand sa pangkalahatan. Ipinapakita ng exchange position change data na dumadami ang green bars, ibig sabihin net outflow na galing sa exchanges. Kalimitan, ibig sabihin nito mas padami ang bumibili at nililipat ang XRP sa sarili nilang wallet imbes na i-benta agad sa exchange.
Malaki ang pinagkaiba nito sa tatlong buwan na nakaraan, na kung saan dominante ang selling pressure sa galaw ng XRP. Kung magtuluy-tuloy ang accumulation, may chance na maging mas stable ang presyo ng XRP, basta ‘di lumala pa ang lagay ng market.
Yung pag-shift mula bentahan papunta sa accumulation, nagbibigay ng pag-asa na posibleng mag-recover ang XRP sa medium term.
Mukhang Safe na Muna sa Matinding Bagsak ang Presyo ng XRP
Umiikot ngayon ang presyo ng XRP malapit sa $2.06 at tuloy-tuloy pa rin ang downtrend na mahigit sampung araw nang nagpigil sa recovery. Patuloy pa rin nakatayo ang presyo sa ibabaw ng $2.03 support level na sobrang importante para sa short-term market signal at kumpiyansa ng mga trader.
Matibay ang suporta sa level na ‘to at ilang ulit na rin itong na-test nitong mga nakaraang linggo, na nagpapakita ng lakas ng interes ng mga investor. Inaasahang tuloy-tuloy ang accumulation sa $2.03 kahit si XRP ay kung sakaling mag-consolidate lang sa area na yan.
Kung mag-bounce ang presyo, puwedeng maitulak ang XRP pataas ng $2.10 at baka mabalik ang momentum para putulin ang downtrend.
Pero kung lalala pa ang market, puwedeng hindi kayanin ng bulls. Pag nabasag ang $2.03, posibleng bumagsak ang XRP sa ilalim ng $2.00.
Kapag nangyari ‘yun, masisira ang bullish thesis, paligid $25 million na long positions ang magli-liquidate at posibleng bumagsak ang XRP hanggang $1.93 dahil sa matinding selling pressure.