Bumagsak na ang presyo ng XRP sa ilalim ng $2, na ibig sabihin mga 19% na ang ibinaba nito mula sa peak nitong January 5, 2026. Dahil dito, maraming investor ang ninerbyos. Pero, may mga analyst pa rin na nakakakita ng ilang magagandang senyales na pwedeng makatulong sa mabilis na pag-recover ng presyo.
Pag-uusapan natin dito kung ano yung mga dahilan kung bakit may potential pa rin ang XRP. Kasama sa analysis ang social data, galaw ng trading, at mga bagong pangyayari sa exchanges.
Nagiging Bearish ang Sentiment ng Retail Habang Nasa Correction ang Presyo
Naramdaman ng XRP ang matinding pagbabago ng sentiment sa market.
Ayon sa Positive/Negative Sentiment data ng Santiment, isang platform na nag-aanalyze ng market sentiment base sa usapan sa social media, pumasok na ang XRP sa zone ng “Extreme Fear.” Isang linggo lang ang nakalipas, greed pa ang umiiral base sa parehong metric.
Sinabi ng Santiment na, historically, pag sobrang extreme ng sentiment, kadalasan doon nagkakaroon ng potential reversal. Madalas gumalaw ang markets kabaliktaran ng expectations ng karamihan.
“Sa history, kapag sobrang bearish na ang usapan, kadalasan nagkakaroon ng rallies. Karaniwan gumalaw ang presyo kabaligtaran ng expectations ng retail traders,” ulat ng Santiment sa X.
Kahit na parang may magandang potential base sa observation na ‘to, yung bilis ng pagbabago ng sentiment sa short term ay nagpapakita ng uncertainty at gulo lalo na sa mga retail trader. Usually, hindi nakakatulong ang ganitong instability para sa tuloy-tuloy na uptrend.
Negative Funding Rates, Senyales Ba ng Possible Reversal?
May isa pang sign na puwedeng magpahiwatig ng reversal. May analyst sa CryptoQuant na nag-obserba na negative ang funding rates ngayon sa perpetual futures contracts ng XRP, ibig sabihin masyado nang marami ang nagso-short.
Ang funding rates ay regular na bayad sa pagitan ng long at short positions sa perpetual futures. Pag negative, ibig sabihin ang mga short sellers ang nagbabayad sa mga may long positions. Kapag ganyan ang sitwasyon, base sa history, madalas nauuna ito bago mag-recover ang presyo ng XRP.
Ayon sa data ng CryptoQuant, dalawang beses nang lumabas ang ganitong pattern simula 2024—noong August–September 2024 at April 2025. Sa parehong sitwasyon, nauna ang negative funding rates bago nagkaroon ng matinding price rebound.
“Karaniwan, gumagalaw ang market kabaligtaran ng huling consensus. Ang pagdami ng shorts, nagbibigay ng short term selling pressure pero ‘pag nagsimulang tumaas ang presyo, puwedeng magli-liquidate ang mga ito kaya lalong tumataas ang presyo,” paliwanag ng CryptoQuant analyst na si Darkfost sa kanilang site.
Binance Naglista ng XRP/RLUSD Trading Pair, Nagpapataas ng Volume
Meron ding magandang update mula sa exchange side na nagpapalakas lalo sa outlook ng XRP. Nitong January 21, 2026, in-announce ng Binance ang pagdagdag ng bagong XRP/RLUSD trading pair sa kanilang platform.
Nagpakita ng optimism si Ripple CEO Brad Garlinghouse tungkol sa move na ’to. Puwedeng mas maraming users na ngayon ang makagamit ng RLUSD sa Binance,kaya mas lalawak pa lalo ang usage ng stablecoin. Lalong lumalakas ang XRP Ledger ecosystem dito, at pwede rin nitong suportahan ang presyo ng XRP kahit indirectly.
Dahil sa bagong listing, may dagdag na liquidity channel na rin ngayon both para sa XRP at RLUSD. Kung magiging maganda ang market sa long term, mas malalim na liquidity ang pwedeng magpa-stable sa market, magpababa ng volatility, at maka-attract ng bagong capital na papasok.
Ayon sa technical analysis ng BeInCrypto, may bullish divergence na nakita nang bumaba ang XRP sa ilalim ng $2. Malaking dagdag ito sa pag-asa sa short term na puwedeng mag-recover ang presyo nito.