Trusted

XRP Utility Pinag-uusapan sa Viral Debate Kasama ang CTO ng Ripple sa Social Media

3 mins
In-update ni Mohammad Shahid

Sa Madaling Salita

  • Andrei Jikh, tinanong ang utility, volatility, at real-world adoption ng XRP matapos ang 13 taon.
  • Inamin ni Ripple CTO David Schwartz na mabagal ang on-chain adoption dahil sa mga isyu sa regulasyon, compliance, at liquidity.
  • Usap-usapan ulit ang kahalagahan ng XRP habang dumarami ang gumagamit ng stablecoins at CBDCs sa global payments.

Isang viral na Twitter thread mula sa sikat na finance YouTuber na si Andrei Jikh ang muling nagpasiklab ng usapan tungkol sa tunay na gamit ng XRP sa totoong mundo. Ang post na ito ay nag-udyok kay Ripple CTO David Schwartz at iba pang crypto figures na magbigay ng kanilang opinyon.

Ang palitan ng opinyon ay nagpakita ng lumalaking tensyon sa pagitan ng orihinal na pangako ng XRP at ang kasalukuyang estado ng adoption nito, kahit na sinasabi ng Ripple na may mahigit 300 bangko na ang kanilang ka-partner.

Bakit Mababa ang On-Chain Volume ng XRP Ledger

Si Andrei Jikh, na may mahigit 2.5 milyong subscribers, ay nagtanong kung bakit, pagkatapos ng 13 taon, wala pang billions sa daily on-chain volume na dumadaloy sa XRP Ledger (XRPL)

Chinallenge niya ang ideya na ang XRP, bilang bridge currency, ay nakakasolba pa rin ng matinding problema sa mundo na unti-unting pinapamunuan ng stablecoins at central bank digital currencies (CBDCs).

“Kung volatile ang XRP, bakit ito gagamitin imbes na stablecoins para sa transfers?” tanong ni Jikh sa kanyang post. “Bakit gugustuhin ng anumang institusyon na mag-hold ng volatile na token para sa payments?”

Mabilis na kumalat ang thread, nagdulot ng libu-libong reposts at nag-udyok ng mga sagot mula sa mga top technologist ng Ripple at mga community leaders.

Kahit Ripple, ‘Di Gamit ang XRP sa Decentralized Exchanges

Kinilala ni Ripple CTO, David Schwartz, ang mabagal na pag-adopt sa on-chain. Sinabi niyang ito ay dahil sa mga alalahanin sa regulasyon at compliance.

“Kahit ang Ripple ay hindi pa magamit ang XRPL DEX para sa payments,” inamin ni Schwartz, binanggit ang panganib ng teroristang nagbibigay ng liquidity, isang senaryo na nagpapahirap sa paggamit ng mga regulated na entidad. Tinukoy niya ang mga paparating na features tulad ng permissioned domains bilang solusyon sa balakid na ito.

Tungkol sa tanong sa volatility, sinabi ni Schwartz na ang bilis ng XRP ay nagpapababa ng panganib at inihalintulad ang paggamit nito sa pag-hold ng bridge currency para sa flexibility.

“Gagana lang ang bridge currency kung may nagho-hold nito para makuha mo ito eksakto kung kailan mo kailangan,” paliwanag niya.

Gayunpaman, inamin niya na ang kaginhawaan ng mga institusyon sa on-chain transparency ay nananatiling hamon. Mukhang nag-eexplore ang Ripple ng mga paraan para itago ang sensitibong data on-chain para sa mga early adopters.

Usapan ng Ripple CTO Tungkol sa Utility ng XRP

Diskusyon: Stablecoins vs XRP

Isa sa mga matinding punto ng debate ay kung kailangan pa ba talaga ang XRP bilang bridge currency kung kaya na ng stablecoins na gampanan ang papel na iyon.

Sinabi ni Schwartz na walang iisang stablecoin ang makakalamang dahil sa mga limitasyon ng hurisdiksyon at currency peg constraints.

“Kung nasa mundo tayo ng multi-stablecoin, may saysay pa rin na magkaroon ng neutral bridge asset tulad ng XRP,” sabi niya.

Pero bumalik si Jikh, tinatanong ang praktikal na pangangailangan para sa XRP sa sitwasyong iyon, lalo na kung ang CBDCs o lokal na stablecoins ay puwedeng magbigay ng parehong serbisyo nang walang exposure sa price volatility.

Sumali rin ang iba sa thread para magbigay ng suporta at kritisismo.

Nilinaw ng dating Ripple Director na si Matt Hamilton na karamihan sa mga bangko na ka-partner ng Ripple ay gumagamit ng RippleNet, isang hiwalay na off-chain network, at hindi ang public XRPL. 

Binibigyang-diin niya na magkaiba ang RippleNet at XRPL. Ang enterprise adoption ng Ripple ay hindi nangangahulugang nagta-translate ito sa on-chain XRP volume.

Samantala, sinasabi ng mga kritiko na maraming partnerships ang hindi natuloy. Itinuro nila ang mababang Total Value Locked (TVL) ng XRP, kakulangan ng smart contract support, at ang centralized validator set nito bilang ebidensya na hindi na competitive ang proyekto.

“Gas token na lang ang XRP ngayon… rank 48th sa TVL,” sabi ng isang kritiko. “Bakit pipiliin ng anumang institusyon ang XRPL kung mas maganda ang decentralization at composability ng Ethereum?”

Kinuwestiyon din ni Jikh kung bakit pipiliin ng mga kumpanya tulad ng BlackRock ang XRPL para sa tokenization kung pwede naman silang gumawa ng proprietary o Ethereum-based solutions, tulad ng ginawa ng Robinhood sa Arbitrum.

Sumagot si Schwartz gamit ang analogy sa Circle, na hindi nagpapatakbo ng sarili nitong blockchain para sa USDC. Ipinahiwatig ng Ripple CTO na ang multi-chain deployment at interoperability ay mas mahalaga kaysa sa exclusive control.

Ang viral thread ay naglantad ng pangunahing hamon para sa Ripple. Iyon ay ang pag-bridge ng gap sa pagitan ng institutional adoption at on-chain XRP utility. 

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

mohammad.png
Mohammad Shahid
Si Mohammad Shahid ay isang beteranong crypto journalist na may specialization sa blockchain security. Tinatalakay niya ang iba't ibang topics mula Web3 hanggang sa retail crypto. Bilang isang experienced na freelance journalist, nakatrabaho na siya sa mga campaign para sa ilang tier-1 exchanges tulad ng Bitget, at mga startups gaya ng RankFi at HAQQ. May malawak siyang technical background, may master’s degree siya sa Cyber Security Analysis mula sa Macquarie University, kung saan major...
BASAHIN ANG BUONG BIO