Matinding pressure ang nararanasan ng presyo ng XRP nitong nakaraang buwan, kaya tuloy-tuloy ang bagsak sa value nito na sya ring bumabagsak sa confidence ng mga investors. Dumami ang pagkalugi habang bumaba ang value ng asset sa mga importanteng resistance zone, dahilan kaya nag-aalala na ang mga short-term holders.
Kahit mukhang mahina ngayon, nagpapakita ang on-chain data na active mag-reshuffle ng supply ang mga malalaking holders o whales. Mukhang natutulungan ng internal na galaw na ito na maibsan ang pagbagsak ng presyo at baka ito pa ang simula ng pag-recover ng XRP.
Gumagalaw na Naman ang XRP Whales
Ang mga XRP whale na may hawak mula 100 million hanggang 1 billion tokens ang nanguna sa matinding bentahan nitong nakaraang buwan. Mahigit 400 million XRP ang naibenta ng mga wallet na ito — halos $800 million ang value base sa kasalukuyang presyo.
Karaniwan, kapag may ganitong aktibidad, senyales ito ng malakas na bentahan na madalas nauuwi sa mas malalim na pag-correct ng presyo. Pero sa market ngayon, kakaiba ang nangyayari — kasi karamihan ng binentang XRP ay napunta pa rin sa mga mas maliit na whale na may 1 million hanggang 100 million XRP.
Gusto mo pa ng mga insights tungkol sa tokens? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Kadalasan, tinatawag na “strong hands” ang mga investors na ‘to dahil mas matagal sila mag-hold at hindi sila basta-basta natitinag ng biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo. Dahil nanatili sa mga malalaking wallet ang tokens, hindi lumobo ang supply sa market. Kaya kahit matindi ang recent na bentahan, hindi naging sobra ang bearish momentum.
Todo Effort ang Malalaking XRP Holder
Nagpapakita rin ang macro indicators na matatag pa rin ang paniniwala ng mga long-term investors. Ang measurement ng XRP Liveliness ay biglaang bumagsak nitong mga nakaraang linggo. Ang metric na ‘to ay sumusukat sa galaw ng matagal nang hawak na coins — nakakatulong ‘to malaman kung nagbebenta na ba o nagho-hold pa ang mga long-term holders. Sa ngayon, nasa three-month low ang indicator.
Ibig sabihin nito, patuloy pa ring nagho-HODL ang mga long-term holders (LTHs) imbes ibenta agad sa gitna ng kahinaan ng market. Historically, kapag bumabagsak ang Liveliness habang downtrend, indikasyon ito ng accumulation phase — o yung pag-iipon nila ng tokens. Kapag nababawasan ang selling pressure mula sa LTHs, nagiging mas tahimik ang galaw ng presyo. Madalas, nauuna ‘to bago magsimula ang reversal ng trend, lalo na kung may sabayan pang pagbili mula sa mga whale.
Breakout ng XRP Presyo, Tuloy Pa Rin
Sa ngayon, nagte-trade ang presyo ng XRP malapit sa $1.90 at gumagalaw lang sa pagitan ng resistance sa $1.93 at support sa $1.86. Kakabreak lang ng altcoin mula sa descending wedge pattern na nakapigil sa kilos ng presyo simula pa ng June. Kadalsang indicator ang breakout ng wedge na galing na sa dulo ang downtrend at baka mag-reverse na pabor sa pag-akyat.
Base sa technicals, 11.7% na potential na pag-akyat ang projection mula sa wedge breakout, kaya posible raw umabot ito hanggang $2.10. Pero kung titignan ang current market setup, mukhang mas realistic na bullish target ang muling pag-akyat at pag-sustain ng presyo sa $2.00. Kapag nag-close nang matagal sa ibabaw ng $2.00, mas lumilinaw ang positive momentum.
Pero hindi pa rin nawawala ang risk na bumaba pa ‘to. Kapag hindi makalagpas ang XRP sa $1.93, baka lumakas pa ang bentahan at bumagsak pa lalo. Kapag bumaba sa $1.86, malamang sumadsad ulit sa support area na $1.79. Kung mangyari ‘to, mababasag ang bullish setup at possible magtuloy-tuloy ang losses.