Back

350 Million XRP Naglipatan, Malalaking Whale Sumasalo Habang Bagsak ang Presyo

10 Disyembre 2025 14:00 UTC
Trusted
  • Nagbenta ng 330M XRP ang mid-sized na mga whale.
  • Matinding bagsak ang activity ngayon sa XRP network.
  • Presyo ng coin, naiipit pa rin sa pagitan ng $2.20 at $2.02.

Patuloy na nahihirapan ang XRP sa ilalim ng pababang trend habang nagpapatuloy ang lakas ng bearish sentiment sa buong crypto market na nagpapahirap makabawi.

Kahit mahina ang performance ngayon, may solidong suporta pa rin ang altcoin mula sa mga major wallet holders, kahit nababawasan ang exposure ng ilang whale.

XRP Supply Lumilipat ng Kamay

Kapansin-pansin ang galaw ng mga whale kung saan nangyari ang paglilipat ng supply ng XRP sa pagitan ng malalaking cohorts. Yung mga address na may 1 million hanggang 10 million XRP ay nagbawas ng higit 330 million XRP sa nakalipas na apat na araw, na nagpapakita ng pagdududa ng mga mid-size na whale. Pero, hindi napunta sa mga exchange o sa mga retail holder ang supply na ito dahil sa selling pressure nila.

Ang laki ng supply na inilabas ay hinigop naman ng mga bigger wallet na may 10 million hanggang 100 million XRP. Tumaas ng 350 million XRP ang combined holdings nila sa parehong period, na nasa higit $729 million ang value. Ibig sabihin nito, may kumpiyansa ang mga malalaking investors na kadalasang nagbibigay ng stability kapag mahina ang market sentiment.

Gusto mo pa ng ganitong token insights? Mag-subscribe na kay Editor Harsh Notariya sa Daily Crypto Newsletter dito.

XRP Whale Holding
XRP Whale Holding. Source: Santiment

Sa mas malaking picture, nagpapakita pa rin ng kahinaan ang XRP dahil bumababa ang network activity. Umabot na lang sa 37,088 ang bilang ng active addresses — pinakamababa sa loob ng tatlong buwan. Ibig sabihin nito, karamihan sa mga holders ay hindi nagpapadala ng XRP o hindi nag-e-engage sa network. Sa ganyang sitwasyon, kadalasang ibig sabihin niyan ay mahina na ang interest o nagdadala ito ng uncertainty sa galaw ng presyo sa short term.

Ang pagkonte ng mga nagpa-participate ay nakakaapekto din sa liquidity kaya nahihirapan ang XRP makabawi kahit pa may nag-aaccumulate na mga malalaking investor. Dahil kokonti ang nagte-trade at nagta-transact, nananatiling mahina ang demand kaya bumabagal ang paglabas ng XRP sa downtrend nya.

XRP Active Addresses.
XRP Active Addresses. Source: Glassnode

Mukhang XRP Pwede Pang Maipit sa Galaw-Sideways

Sa ngayon, nagte-trade ang XRP sa $2.08 at tuloy-tuloy pa rin ang halos buwan na downtrend. Ilang araw na ring gumagalaw ang altcoin sa pagitan lang ng $2.20 at $2.02, na nagpapakita kung gaano kahirap makabuo ng malinaw na momentum.

Base sa nakikitang galaw ng mga whale at mahina na network activity, mukhang magcoconso­lidate pa rin ang XRP sa range na ito. Kapag bumuti ang crypto market sa kabuuan, pwede pa ring mag-breakout above $2.20 at habulin ang $2.36 — na magiging unang matinding recovery attempt niya sa loob ng ilang linggo.

XRP Price Analysis.
XRP Price Analysis. Source: TradingView

Pero kung hindi mabuo ang bullish sentiment, exposed ang XRP sa panganib ng panibagong bagsak. Kapag nabasag ang $2.02 support level, mahuhulog sa ilalim ng $2.00 ang price. Sa scenario na ito, mapapawalang-bisa ang bullish thesis at pwede pang mas malalim ang pagkalugi ng altcoin.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.