Nag-trigger ng matinding diskusyon sa privacy-coin ecosystem ang desisyon ng Grayscale na gawing ETF ang Zcash Trust nito.
Para sa mga taga-suporta ng Zcash at mga purist ng decentralization, hindi lang ito simpleng bagong investment product. Para sa kanila, senyales ito ng posibleng pag-takeover ng mga institusyong sinusubukang iwasan ng isang privacy-focused cryptocurrency.
Privacy Coin sa ETF? Sabi ng Iba’y Sumasala Iyan sa Misyon
Ang filing na isinumite noong Nobyembre 26, 2025, ay naglalayong baguhin ang isang trust na nagho-hold ng mahigit 394,000 ZEC, na may halagang nasa $197 milyon, sa isang regulated na exchange-traded fund (ETF).
Ayon kay Eric Van Tassel, isang user sa X (Twitter), hindi compatible ang ZEC ETF sa layunin ng Zcash.
“Sana hindi magkaroon ng ZEC ETF, dahil kapag nangyari ‘yan, hindi na decentralized ang asset,”
ayon kay Eric na tinawag pa ang ETFs na “Trojan horse.”
Hindi tungkol sa ETFs bilang financial instruments ang kritisismo ni Eric, kundi sa control structures na dala nito. Hindi tulad ng spot trading sa crypto exchanges, kinokonsentra ng ETFs ang impluwensya sa mga Wall Street firms na nagdedesisyon para sa trading, market-making, at custody.
Para sa isang privacy coin, mahalaga ang ganitong konsentrasyon.
“Ang ETF ay nangangahulugang magiging mataas ang impluwensya at kontrol ng Wall Street sa halaga ng asset,” babala ni Eric.
Ipinapakita ng mga SEC filing na hawak ng Grayscale Zcash Trust ang nasa 2.4% ng circulating supply ng ZEC, na nagpapakita ng isa sa pinakamataas na institutional concentrations sa privacy coins. Ang pag-convert ng trust sa isang ETF ay lalo pang magpapalawak ng impluwensya nito.
Nakita na ng crypto industry ang downside. Noong na-convert sa ETF ang Grayscale Bitcoin Trust (GBTC) noong Enero 2024, nagdulot ito ng matinding sell-side pressure. Ang pangkalahatang pakiramdam ay baka maulit ito sa Zcash.
May data na nagpapatibay sa pangamba na ito, na nagpapakita na naaalala pa rin ng mga merkado ang mga araw noong paulit-ulit na ibinababa ng GBTC outflows ang Bitcoin. Ayon kay Eric, hindi aksidente ang mga dinamikong ito.
“Ang recent na pagbagsak ay naimpluwensyahan ng mga higanteng institusyon na ngayon ay kumokontrol sa maraming mga assets… Ang ultiamte goal nila ay sirain o kumpletong kontrolin ang crypto bilang bahagi ng kanilang CBDC agenda,” dagdag pa niya.
Samantala, nagpapakita na ng warning signs ang Grayscale Zcash Trust.
- NAV/Share: $42.59
- Market Price: $35.05
- Discount: nasa 18%
Ipinapakita ng matinding discount na baka inaasahan ng mga shareholder ang karagdagang pressure sa presyo, o hindi sila handang magbayad ng buong halaga para sa mga assets na maaring maapektuhan ng ETF-linked na selling pressure.
Ang trust ay kasalukuyang may hawak na $205.7 milyon, may 2.5% expense ratio, at may 4.83 milyong outstanding na shares. Ang mataas na fees at regulatory uncertainty ay maaaring dahilan kung bakit inaasahan ng mga investors na magiging magulo ang hinaharap.
Bakit Lumamang ang Zcash, At Bakit Pwede Itong Matapos
Kahit may mga challenge sa regulation, ang ZEC ay nag-perform nang husto laban sa maraming major altcoins sa mga nakaraang buwan. Sinabi ng mga kritiko na ito ay dahil wala pa ito sa ilalim ng ETF control, kaya ang galaw ng presyo nito ay mas organic at hindi masyadong naimpluwensyahan ng institutional flows.
“Ang katotohanang wala pang ETF ang Zcash ay maaaring dahilan bakit maganda ang galaw ng Zcash,” sinabi pa ni Erin.
Sinabi pa niya na ang Bitcoin ETF-driven structure ay nagtakda ng limit sa pag-angat nito:
“Sa tingin ko $140,000 hanggang $150,000 lang ang max ng Bitcoin sa cycle na ito… Mapupunta ang pera sa mga assets na hindi kontrolado ng mga ETFs,” sinabi niya.
Ang SEC, hindi ang Electric Coin Company (na nagde-develop ng Zcash), ang magpapasya sa kapalaran ng Zcash ETF. Kung maaprubahan, ito ang magiging kauna-unahang ETF na naka-link sa isang major na privacy coin, na posibleng magbukas ng bagong landas sa regulasyon para sa mga katulad na assets.
Ngunit ang epekto nito ay lagpas pa sa mga patakaran. Ang Zcash ay ginawa para sa financial privacy sa gitna ng era ng surveillance.
Ang tanong ngayon ay kung kaya bang labanan ng misyon na ito ang puwersa ng Wall Street, o kung, ayon sa babala ng mga kritiko, mag-iiba ang ZEC mula sa isang decentralized at privacy-focused tool patungo sa isang maingat na pinamamahalaang institutional asset.
Siguro, ito ring mga pangamba ang nagpapaliwanag kung bakit ang token ng Zcash na ZEC ay tumaas lang nang bahagya ng 0.7% sa huling 24 oras kahit na may interes mula sa Grayscale.