Medyo humupa na ang galaw ng presyo ng Zcash nitong mga nakaraang araw pagkatapos ng apat na linggo ng matitinding swings. Bumaba na ang volatility at napansin ng mga trader na nagpo-form na ito ng symmetrical triangle pattern, kung saan mas sumisikip na ang pagitan ng higher lows at lower highs.
Habang naiipit sa triangle na ‘yan ang galaw ng ZEC, tutok ang mga trader dahil magiging depende sa kilos ng mga investor kung saan ang susunod na malaking galaw.
Lumalakas ang Bentahan ng Zcash
Halata sa on-chain data na mas naging maingat na ang mga may hawak ng Zcash. Sabi ng Nansen, tuloy-tuloy ang pagtaas ng ZEC balance sa mga centralized exchange. Madalas ‘yan ay senyales na plano nang ibenta ng mga investor ang coins nila dahil ililipat ‘yan mula private wallet papunta sa trading venue — karaniwan kapag inaasahang bababa pa ang presyo.
Ang pagtaas ng exchange balances ng 16% sa loob lang ng nakaraang 24 oras ay nagpapakita na mas naniniwala ang mga holder na mahalaga ngayon ang capital preservation kaysa magdagdag pa ng hawak. Pinapakita ng ganitong galaw na mas mababa ang confidence at dumaragdag pa sa selling pressure, na pwedeng bumigat sa presyo habang may consolidation pa.
Gusto mo pa ng mga ganitong token insights? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Karaniwan, nakakaapekto ang selling pressure sa derivatives market. Lalo pa nitong pinapalala ang risk dahil puwedeng magli-liquidate ng positions. Pero sa kaso ng Zcash ngayon, kitang-kita sa liquidation map na may imbalance na naglilimita sa bilis ng pagbaba. Mas marami kasing short positions na naka-expose malapit sa $500 — halos $48 million ‘yan — versus long positions na nasa $357 area, nasa $25 million lang.
Ibig sabihin, mas “safe” sa ngayon ang mga nag-sho-short, pero mas mataas ang risk ng mga long trader. Kapag bumagsak pa lalo ang ZEC at magli-liquidate ng long positions, possible pang humina pa ang mga bullish buyers. Maaaring magresulta ito sa mababang leverage demand at “tulog” ang futures trading hanggang merong malinaw na signal kung tataas o bababa ang price action.
ZEC Price Naghihintay ng Malinaw na Direksyon
Patuloy pa ring umiikot-ikot ang ZEC sa loob ng symmetrical triangle, nagpi-print ng mas sumisikip na highs at lows. Tipikal na nauuna dito ang malakas na galaw — pataas o pababa — kasi compressed na ang volatility. Kapag malapit na sa apex, dapat ready na ang mga trader kung lilipad o tuluyang babagsak — at madalas, apektado ‘to ng spot market at kung paano naka-posisyon ang mga nagfu-futures.
Sa ngayon, mukhang mas malakas ang risk na bababa pa. Patuloy na nagbebenta ang mga tao at tumataas ang exchange balances, kaya mas mataas ang tsansa na mabasag ang $405 pababa. Kung gumalaw papuntang $340, malamang mag-trigger ng mass liquidation ng mga long positions. Kapag nangyari ito, pwedeng magtuloy-tuloy ang bagsak ng ZEC price hanggang $300 lalo na kapag nawalan ng gana ang mga bullish trader.
Pwede pa rin umangat ang Zcash kung mawawala ang selling pressure at babalik ang kapital. Kapag malinis na sumagasa ang price pataas sa upper boundary ng triangle bandang $504, mawawala ang bearish setup. Magpu-pwersa ito ng short liquidations at baka biglang mag-rally pataas hanggang $600 lalo na kung tataas na ulit ang confidence ng buyers.