Nananatiling matibay ang galaw ng presyo ng Zcash kahit medyo mahina ito sa short term. Tumaas pa rin ng halos 40% ang ZEC nitong nakaraang 30 days, na nagpapakita ng matinding recovery mula sa mababang presyo noong early December. Pero sa mga nakaraang araw, humina ang momentum nito. Sa loob ng 7 days, bumaba ng halos 8% ang Zcash, kahit tuloy-tuloy ang pag-angat ng Bitcoin. Importante ang pagkakaibang ito dahil ipinapakita nito na may negative correlation ang Zcash sa Bitcoin—ibig sabihin, madalas kabaliktaran ang galaw nila—at dati na ring naging sagabal ‘to sa immediate breakouts ng ZEC tuwing may bull run.
Kahit nagkaroon ng konting pagbagsak, buo pa rin ang bullish setup ng Zcash. Alamin natin kung bakit hindi pa rin nasisira ang trend na ‘to, at bakit may short-term na pressure pa rin.
Mukhang Tuloy ang Bull Flag, Pero CMF Nagbabadya ng Capital Outflow
Patuloy nagco-consolidate ang Zcash pagkatapos ng matinding paglipad simula early December at bumubuo ngayon ng bull flag pattern at hindi topping pattern. Hangga’t niri-respeto ng presyo ng ZEC ang pattern na ‘to, bullish pa rin ang outlook dahil meron pang natitirang upside na nasa 85% ang projection.
Pero sa likod ng chart, humihina na ang momentum. Kung titignan ang Chaikin Money Flow (CMF)—isang indicator na sumusukat kung ang malalaking pera ay pumapasok o lumalabas sa asset—makikita na pababa na ang trend kahit matibay pa ang presyo. Mula December 24 hanggang January 5, umakyat ang presyo ng ZEC pero bumaba ang CMF.
Gusto mo pa ng ganitong crypto analysis? Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Ibig sabihin ng pagkakaibang ‘to eh lumalamig na ang buying pressure. Papalapit na ang CMF sa zero line, na importante para malaman kung may pumapasok pa bang capital. Kung bababa ito sa zero, ibig sabihin naglalabasan na ang pera at madalas nauuna ‘to bago magkaroon ng short-term price drop.
Mas lumakas pa ang signal na ‘to nang ma-unshield kamakailan ang nasa 202,000 ZEC o halos 1.2% ng circulating supply. Kahit hindi automatic na ibebenta ang mga tokens kapag na-unshield, mas naging visible ang supply sa market. Kapag humina ang demand, madadagdagan ang pressure na bumaba ang presyo.
Sa ngayon, solid pa rin ang setup. Pero bantayan ang $404 level dahil ‘yan ang critical. Kapag bumagsak sa ilalim nito ang presyo, mababasag ang bull flag at mahihina ang bullish scenario.
Pinapakita ng Derivatives ang Short Term na Pressure, Pero May Support sa Long Term
Paliwanag ng derivatives positioning kung bakit pwedeng ma-delay ang ZEC breakout imbes na tuluyang mawala ang momentum.
Kung titingnan ang 7-day Binance ZEC/USDT liquidation map, umabot sa $54.38 million ang nasa short liquidation leverage, habang ang nasa long liquidation ay nasa $24.41 million lang. Ibig sabihin, mas mataas ng higit 120% ang short exposure kaysa sa longs sa short term, kaya mas mataas ang risk ng volatility at possible na pullback. Kaya para sa 7-day view, mas bearish ang sentiment.
Pero iba ang 30-day view. Lumobo sa $52.89 million ang long liquidation leverage, habang bumaba sa $39.84 million ang short leverage. May advantage dito ang mga long position ng halos 33%, kaya mukhang marami pa rin sa mga mid- to long-term traders ang umaasa ng tuluy-tuloy na pag-angat ng ZEC.
Sa madaling salita, mas maingat ang mga short-term traders pero nananatiling bullish pa rin ang mga pang-matagalang participants.
Timing ng Zcash Breakout, Depende na sa Galaw ni Bitcoin
Nakakabigat pa rin sa rally ng Zcash ang negative correlation nito sa Bitcoin. Ang correlation ay sukatan kung gaano kadikit gumalaw ang presyo ng dalawang asset. Sa mga nakaraang cycles, bumabagsak ang ZEC kapag nagco-consolidate o tumataas ang Bitcoin. Sa chart ngayon, -0.66 ang correlation nila, ibig sabihin, kadalasan, magkaiba talaga ang galaw ng presyo nila.
Nangyayari na naman ‘to ngayon. Habang malakas ang Bitcoin habang linggo, underperform ang Zcash kaya maraming nagdadalawang-isip sa short-term move nito.
Kailangan pa rin ng confirmation sa structure ng chart. Kapag umakyat ang presyo sa ibabaw ng $519, may malinaw na breakout sa consolidation. Kapag nabreak ang $541, pwedeng magliquidate ng marami ang shorts at pwedeng maging mabilis ang pag-angat ng presyo.
Kapag naging matindi talaga ang pag-angat, pwede nitong buksan ang daan para sa projection na 85% na lipad ng presyo.
Pero hangga’t hindi pa nangyayari ‘yon, klaro pa rin na may risk na bumaba. Kapag bumagsak ang presyo sa $404, mababasag ang bullish structure nitong Zcash at baka kailangan munang mag-reset nang matindi bago magpatuloy ang uptrend.
So far, bullish pa rin ang overall structure at long-term na posisyon ng Zcash. Pero sa short term, may signs na pwede pang matagal bago tuluyang mag-breakout dahil sa mga signal ng capital outflow at impluwensya ng Bitcoin.