Nakakaranas ang Zcash ng isa sa pinakamalalang correction nito ngayong taon habang patuloy na bumabagsak ang presyo ng altcoin, nawawala ang malaking bahagi ng pag-angat nito noong Oktubre.
Ang matinding pagbagsak na ito ay nagdulot ng isang mahalagang tanong sa mga investors: ang privacy tokens hype ba kamakailan ay isang bubble na walang kasiguraduhan, o meron pa ring long-term na value sa fundamentals ng ZEC?
Duguan ang Zcash
Ipinapakita ng Relative Strength Index (RSI) ang matinding bearish pressure sa Zcash. Ang indicator ay bumaba na sa neutral na 50.0 mark papunta sa negative territory, na senyales na hawak ng mga seller ang kontrol.
Kadalasang konektado ito sa humihinang potential para makabawi, lalo na kung patuloy ang pagbuo ng momentum ng mga bearish. Para sa ZEC na magpakita ng anumang matinding reversal signal, kailangan umabot ang RSI sa oversold conditions, kung saan mas statistically possible ang pag-bounce.
Sa ngayon, hindi pa naaabot ng ZEC ang stage na iyon, kaya’t nananatiling vulnerable sa karagdagang pagbaba. Ang kawalan ng malinaw na reversal signals ay nagpapakita ng kasalukuyang kawalan ng katiyakan, at parang hesitant pa rin ang mga buyer na bumalik kahit pa discounted na ito mula sa recent highs.
Gusto mo ba ng mas marami pang insights sa tokens na katulad nito? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Ang Squeeze Momentum Indicator ay nagdadala ng isa pang layer ng pag-aalala. Ngayong buwan, ipinakita ng indicator ang compression, na madalas na nauuna sa major volatility. Ngayong na-release na ang squeeze pababa, umaayon ito sa malakas na bearish momentum. Kapag nagaganap ito habang downtrend, karaniwan lang na mas lumala pa ang pagbagsak imbes na tumigil ito.
Kinukumpirma ng shift na ito na naroon ang bearish forces at mas tumitindi pa. Kaakibat ng paglamig ng privacy-coin narrative sa merkado, sinasabi ng indicator na mas marami pang volatility at downward pressure ang maaaring abangan sa Zcash.
ZEC Price Baka Mas Bumaba pa
Noong kasagsagan ng privacy-token narrative, nagpost ang ZEC ng massive 1,442% rally. Pero nung November, nawala na ang momentum at mula noon, bumagsak na ang altcoin ng 56% mula sa mataas nito.
Grabe, 43% ng loss na ito ay nangyari ngayong linggo lang, itinulak pababa ang ZEC sa $323. Kung magpapatuloy ang trend na ito, posibleng bumagsak ang Zcash sa ibaba ng $300 support level at pumunta sa $260, o kahit $204, na tiyak na mag-aalis pa ng naunang gains nito.
Pero ayon kay Arthur Hayes, ang crypto markets ay may kanya-kanyang yearly narrative. Nabanggit niya na umikot ang 2025 sa AI-linked tokens at mabilisang paglaganap ng stablecoins pero magfo-focus naman daw ang 2026 sa privacy. Sinasabi niya na ang pivot na ito ay maaring magdulot ng bagong interes sa mga privacy-driven cryptocurrencies at sa tech na sumusuporta sa mga ito.
Kaya kung bumalik ang mga buyer sa mga discounted na level na ito, maaring sumubok ang ZEC na mag-bounce mula sa $344 area. Kakailanganin ang recovery patungong $442 at eventually $520 para maisantabi ang kasalukuyang bearish outlook.