Trusted

Lalaking Nawalan ng 8,000 Bitcoin, Target Bilhin ang Landfill para Makuha ang Nawalang Yaman

2 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa Madaling Salita

  • Howells nagbabalak bilhin ang isang landfill sa Newport para mabawi ang hard drive na may 8,000 BTC, na nawala noong 2013 dahil sa aksidenteng pagtatapon.
  • Isang UK judge ang nagdesisyon laban sa kanyang £495 million na kaso para sa excavation rights, pero balak ni Howells na mag-apela at ipaglaban ang pagmamay-ari.
  • Ang landfill, na nakatakdang magsara sa 2025-26, ay nagbibigay ng bihirang pagkakataon para kay Howells na makakuha ng access at hanapin ang kanyang nakabaong Bitcoin.

Si James Howells, isang computer engineer mula Newport, ay nag-iisip na bilhin ang buong landfill sa pinakabagong pagtatangka na mabawi ang hard drive na naglalaman ng 8,000 Bitcoin (BTC).

Ang cryptocurrency stash ay aksidenteng naitapon noong 2013 nang ang ex-girlfriend ni Howells ay nagkamaling itapon ang drive.

Pagsisikap ni James Howells na Iligtas ang Bitcoin Fortune

Sa nakalipas na 12 taon, sinusubukan ni Howells na makakuha ng permiso para maghanap sa Newport landfill sa Docks Way. Kumbinsido siya na ang kanyang nawalang cryptocurrency fortune ay nakabaon doon.

Inaasahang magsasara ang landfill sa 2025-26 financial year.

“Medyo nakakagulat na ganito kabilis planong isara ng council ang landfill, lalo na’t sinabi pa nila sa High Court na ang pagsasara nito para payagan akong maghanap ay magdudulot ng malaking negatibong epekto sa mga taga-Newport—habang may plano na pala talaga silang isara ito.” sinabi ni Howells sa isang panayam.

Ang landfill site ay naglalaman ng mahigit 1.4 milyong tonelada ng basura. Ayon sa mga pagtatantya ni Howells, ang kanyang hard drive ay nakabaon sa ilalim ng ihumigit-kumulang 100,000 tonelada. Sa nalalapit na pagsasara nito, nakikita niya ito bilang isang pagkakataon na makuha ang pagmamay-ari ng lupa.

“Interesado akong bilhin ang landfill site,” sabi niya.

Kumpirmado rin niya na kamakailan niyang tinalakay ang opsyong ito sa kanyang mga investment partners at nananatili itong isang viable na posibilidad.

Ang pagkuha ng site ay maaaring magbigay kay Howells ng legal na leverage para maghukay at maghanap ng kanyang nawawalang Bitcoin. Ang kanyang mga paulit-ulit na apela sa Newport City Council ay palaging tinatanggihan dahil sa mga alalahanin sa kapaligiran.

Sinabi rin na sa isang kamakailang legal na pagtatalo, hinabol ni Howells ang karapatang maghukay sa site o isang compensation payout na £495 milyon.

Gayunpaman, hinamon ng city council ang kanyang claim at hinimok ang High Court na ibasura ang kaso. Nagdesisyon si Judge Keyser KC laban kay Howells, na tinutukoy na ang kanyang kaso ay “walang realistic prospect” na magtagumpay sa isang full trial. Gayunpaman, ang pagmamay-ari ng landfill ay maaaring magtanggal ng ilan sa mga bureaucratic na hadlang.

Bukod sa pag-iisip ng pagbili, plano ni Howells na i-apela ang desisyon ni Judge Keyser na ibasura ang kanyang kaso.

“Natalo ako, nanalo sila. Baka umapela ako. Tingnan natin kung ano mangyayari,” isinulat niya sa X (dating Twitter).

Mula noong 2013, ang Bitcoin ay nakaranas ng malaking paglago. Bukod pa rito, batay sa mga pagtatantya, ang pinakamalaking cryptocurrency ay nasa track para sa karagdagang highs. Sa kasalukuyang market prices, ang nawawalang Bitcoin ni Howells ay nagkakahalaga ng mahigit £630 milyon ($782 milyon).

“Paulit-ulit na bangungot ang pinagdadaanan ni James Howells araw-araw—nakikita niyang lumalaki nang husto ang halaga ng kanyang wallet, pero hindi niya ito mababawi kailanman. Isang kayamanang dapat sana’y kanya, pero tuluyan nang nawala dahil sa isang fatal na pagkakamali,” isinulat ng isang user sa X.

Para kay Howells, tuloy pa rin ang laban. Ngunit kung ang pagbili ng landfill ang talagang magbibigay sa kanya ng pagkakataong mabawi ang nawawalang Bitcoin ay wala pang kasiguraduhan sa ngayon.

Gusto mo bang magbasa pa ng mga articles tulad nito? Tingnan ang BeInCrypto Pilipinas at ang aming Matuto page para sa mga libreng explainer.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

kamina.bashir.png
Si Kamina ay isang journalist sa BeInCrypto. Pinagsasama niya ang matibay na pundasyon sa journalism at advanced na kaalaman sa finance, matapos makakuha ng gold medal sa MBA International Business. Sa loob ng dalawang taon, nag-navigate si Kamina sa kumplikadong mundo ng cryptocurrency bilang Senior Writer sa AMBCrypto. Dito niya nahasa ang kakayahan niyang gawing simple at engaging ang mga komplikadong konsepto. Nag-contribute din siya sa editorial oversight para masigurong maayos at...
BASAHIN ANG BUONG BIO