Sinentensyahan ng US court ang isang lalaki ng limang taon sa kulungan dahil sa pangunguna niya sa isang $9.4 milyon na cryptocurrency Ponzi scheme.
Inutusan din siyang magbayad ng mahigit $1 milyon sa forfeiture at mahigit $170,000 sa restitution.
CEO ng Wolf Capital, Guilty sa Kaso
Si Travis Ford na 36-anyos, residente ng Glenpool, Oklahoma, ang CEO ng Wolf Capital Trading LLC, isang cryptocurrency investment firm na nakalikom ng halos $10 milyon mula sa nasa 2,8000 na investors.
Ayon sa US Department of Justice, buong 2023 naghikayat si Ford ng investments gamit ang kanyang website at iba’t-ibang online promotions. Ipinakita niya ang kanyang sarili bilang isang batikang trader na kayang magbigay ng daily returns mula 1% hanggang 2% para sa mga investors.
Sa proseso ng korte ni Ford, inargue ng mga prosecutor na sa huli ay inilipat at ginamit niya ang mga pondo para sa personal na pangangailangan at para suportahan ang kanyang mga kasabwat.
Noong Enero, inamin ni Ford ang kanyang pagkakasala sa isang kaso ng conspiracy to commit wire fraud. Bahagi ng plea niya ang pagkilala na alam niyang hindi masasakto palagi ang investment returns na kanyang ine-advertise.
Ang kaso na to ay isa pang crypto-related Ponzi scheme na sumulpot sa headlines nitong mga nakaraang buwan.
Tumataas ang Crypto Scam sa Buong Mundo
Sa mga nakaraang buwan, maraming malalaking crypto Ponzi schemes ang bumalik sa headlines sa buong mundo.
Noong nakaraang buwan, nahuli ng mga awtoridad sa Thailand si Liang Ai-Bing, isang Chinese national, sa Bangkok. Inaakusahan siya na tumulong sa pagpatakbo ng FINTOCH scheme na diumano’y kumupit ng mahigit $31 milyon mula sa halos 100 investors sa buong Asya. Ayon sa mga opisyal, ang operasyon ay lagpas sa maraming bansa at umaasa sa agresibong online marketing.
Sa Agosto, isa pang malaking desisyon ang inilabas ng korte sa New York. Iniutos ng mga hukom na ibalik ni EminiFX founder Eddy Alexandre ang $228 milyon matapos matukoy ng mga regulator na ang kanyang AI-themed platform ay isang malakihang fraud. Ang scheme na ito ay nag-target sa mga immigrant communities sa United States.
Ilang linggo bago nito, lumabas ang isa pang kaso sa Detroit nang kasuhan ng city officials ang RWA RealT, isang Florida-based firm, sa pagbenta ng tokenized shares ng mga bahay na hindi naman nila pag-aari. Nakalikom ang kompanya ng humigit-kumulang $2.72 milyon mula sa investors gamit ang mga alok na ito.
Habang ang conviction ni Ford ay nagpapakita ng mas mahigpit na hakbang mula sa mga awtoridad, malinaw na ang bilis ng paglaganap ng crypto fraud ay mas mabilis kaysa sa mga hakbang ng mga enforcer.