Halos dalawang linggo nang gumagalaw sa sideways ang Ethereum (ETH) malapit sa $3,000 level. Kahit may mga bagong buyer tulad ng BitMine at Trend Research, mukhang kulang pa rin ang demand ngayon.
Kapag tiningnan mo ang iba pang data, makikita mo na matindi pa rin ang selling pressure. Kaya mukhang mahihirapan na maka-recover agad ang ETH sa short term.
ETH Exchange Reserves Tumaas Uli Nitong Christmas Week
Ayon sa CryptoQuant, unti-unti nang nababawasan ang ETH reserves sa lahat ng exchanges nitong mga nakaraang buwan.
Pero nitong December, nag-iba ang trend. Ngayong linggo, tumaas ang ETH exchange reserves mula 16.2 million papuntang 16.6 million. Ibig sabihin, nasa 400,000 ETH ang nilipat pa-exchange.
Ayon sa on-chain data na lumabas, isang “OG whale” lang ang nagdeposit ng 100,000 ETH sa Binance.
Sa ulat ng BeInCrypto ngayong linggo, bumili ang BitMine Immersion Technologies ng 67,886 ETH habang bumili rin ang Trend Research ng 46,379 ETH. Pero kahit ganito kalaki ang mga buy, mas malaki pa rin ang amount ng ETH na nililipat pa-exchange kaysa sa binibili.
Kapag nilipat ang ETH sa exchanges para magli-liquidate at mas malaki ang bentahan kaysa sa buying, lalong titindi ang selling pressure. Kapag nagpatuloy pa ito hanggang year-end, posibleng lalo pang bumaba ang presyo ng ETH.
Mataas Pa Rin ang Estimated Leverage Ratio ng Ethereum
Mahalaga ring tignan ang Ethereum Estimated Leverage Ratio na sabi ng CryptoQuant ay nananatiling nakakabahala ang level.
Itong ratio na ‘to ay kinukuha sa pamamagitan ng pag-divide ng exchange open interest sa coin reserves. Sa madaling salita, pinapakita neto kung ilan ang average leverage ng mga trader. Kapag tumataas ito, ibig sabihin mas maraming investor ang nagle-leverage nang mataas sa derivatives market.
Noong October 10 kung kailan pinaka-malaki ang liquidation losses sa history ng market, 0.72 ang level ng ratio. Ngayon, bumalik ulit dito ang reading. Meron pang mga araw na umabot hanggang 0.76.
Dahil mataas pa rin ang leverage, madaling magka-snowball na liquidation kapag gumalaw kahit konti lang ang presyo ng Ethereum. Konting galaw lang, pwedeng magsunod-sunod ang forced liquidation ng mga positions.
3. Lalong Lumulubog ang Ethereum Coinbase Premium nitong December
Dati nang nireport ng BeInCrypto na naging negative ang Ethereum Coinbase Premium nitong December.
Habang Christmas week, lalo pang bumagsak ang indicator at ngayon -0.08 na lang — pinakamababa ito sa nakaraang isang buwan.
Sinusukat ng indicator na ‘to yung price difference ng ETH sa Coinbase Pro (USD pair) kumpara sa Binance (USDT pair). Kapag negative, ibig sabihin mas mababa ang halaga ng ETH sa Coinbase.
Ipinapakita ng trend na to na tuloy-tuloy pa rin ang bentahan ng mga US investor na parang nagdi-discount. Hangga’t hindi pa nagpo-positive ang Coinbase Premium, mukhang mahihirapan makabawi ang ETH sa short term.
4. ETH ETF, Dalawang Buwan Nang Tuloy-tuloy ang Paglabas ng Pondo
Papalapit na matapos ang December at parang magtatapos ulit ang ETH ETF flows na puro net outflow — pangalawang buwan na sunod-sunod na walang bagong pumapasok.
Noong nakaraang buwan, umabot sa -$1.42 billion ang net flow sa lahat ng ETH ETF. Ngayon pa lang, lumampas na sa $560 million ang net outflows.
Kahit walang fresh inflow, hindi talaga magka-traction ang ETH at walang panghatak paakyat ang presyo. Kapag hindi tumigil ang outflows, lalo na ngayong low-volume holiday season, baka ulit mag-test ng mas mababang support level ang ETH.
“Simula pa noong early November, naging negative na ang 30-day SMA ng net flows papasok sa parehong Bitcoin at Ethereum ETFs at nananatili pa rin dito. Ibig sabihin nito, kakaunti ang pumapasok at parang nababawasan ang interest ng mga institutional investor, na nagpapalakas pa ng liquidity crunch sa buong crypto market,” ayon sa Glassnode.
Sa madaling sabi, apat na signal — tumataas na exchange reserves, mataas na leverage, grabe ang negative na premium, at tuloy-tuloy na ETF outflows — ang nag-iindicate na baka manatili ang ETH sa consolidation phase o baka pa bumaba ang presyo nito.
Kung gusto mong mabawasan ang risk ngayong maraming balakid sa market, siguraduhin mong may tamang stop-loss sa derivatives position mo at gamitin lang ang tamang diskarte sa pag-allocate ng capital kapag bumibili ng spot.