Sabi ni Tim Draper, uunahin ng quantum computing na i-crack ang mga bangko bago nito maapektuhan ang Bitcoin. Pero hindi dahil mas malakas ang encryption ng Bitcoin.
Sa isang post sa X, sinabi ni Draper na dahil sa luma at madaling matarget na infrastructure ng mga bangko at sa recovery mechanism ng Bitcoin network, mas tatagal ang blockchain kumpara sa dollar kapag dumating na ang quantum tech. May sense naman itong dalawa, pero ang pinaka-pinupuna sa Bitcoin—yung sobrang transparent nito—yun pala ang pinakamalakas na panangga niya ngayon laban sa quantum attacks.
Bakit Mas Delikado ang Mga Bangko sa Quantum Threat Kumpara sa Bitcoin
Ngayon pa lang, nagsisimula na ang totoong quantum attack sa mga bangko. Ang tawag dito ng security researchers ay “harvest now, decrypt later” (HNDL): Kinokolekta at itinatago na ng mga attackers ngayon ang mga encrypted na transaksyon ng mga bangko, customer data, at mga komunikasyon ng institusyon.
Itinatambak lang itong mga file na ‘to habang hinihintay na maging sapat na malakas ang quantum computers para ma-unlock ang encryption ng mga ito. ‘Pag dumating na ‘yung panahon na ‘yun, kaya nang basahin ang dekada-dekadang confidential na records ng mga bangko. Hindi na pwedeng balikan at bawiin ng mga bangko ang nalikom na data.
Sa Bitcoin, walang gano’ng klase ng kahinaan. Lahat ng transaction, address, at balance ay public na sa blockchain. Wala kang mahaha-harvest na encrypted na private na records dito.
Pero, Quantum-resistant na mga crypto ang tumabo ng matinding galaw nitong May—natalo pa nila ng halos 60% ang performance ng Bitcoin kahit bagsak ang broader market.
Ang Totoong Kahinaan ng Bitcoin — at Paano Ito Maaayos
May isang real risk ang Bitcoin pagdating sa quantum: ang ECDSA signature algorithm nito, o ‘yung system na nag-a-authorize ng transactions. Kapag nagpadala ka na ng Bitcoin mula sa isang address, forever ng public yung public key mo sa blockchain.
Pwedeng gamitin ng quantum computer ang Shor’s algorithm para i-derive (hulaan) ang private key mula sa public key ng kahit anong address na nagamit na. Kaya possible na mag-target ng kahit aling ginagamit na address.
Hindi apektado ang SHA-256 na nagpapasecure ng Bitcoin mining network. Hindi rin basta-basta to mahahack, kasi kailangan mo ng hardware na ang power ay halos kasing tindi na ng isang star.
May solusyon na rin ang ECDSA problem: ang BIP-360, na nag-iintroduce ng ML-DSA post-quantum signatures na inaprobahan na ng US National Institute of Standards and Technology (NIST). Pinakita nang gumagana ang BIP-360 transactions sa testnet. Kapag naging totoo na ‘yung seryosong quantum threat, pwedeng mag-vote ang mga Bitcoin node operators para i-upgrade ang protocol.
Walang ganitong klaseng power ang mga bangko. Government rules ang nasusunod sa kanila: example, nire-require ng NSA’s Commercial National Security Algorithm Suite 2.0 na lahat ng national security systems ay quantum-safe na pagdating ng Enero 2027.
Tama si Draper—mas exposed talaga ang mga bangko sa quantum threat. Pero hindi lang ‘yun ang interesting na dahilan kung bakit.









